Jamill, sinubukang ibalik ang YT channel: "Nabalitaan namin 'di na daw mababalik"
- Agad na naglabas ng saloobin ang tambalang 'Jamill' tungkol sa pagbubura nila ng kanilang YouTube channel
- Nagulat daw sila na nag-trending ang pagkawala ng kanilang YouTube channel kaya minabuti nilang maglabas muli ng video
- Sinubukan pa nilang maibalik panandalian ang channel para mai-post ang kanilang desisyon ngunit hindi na raw ito naibalik ng YouTube
- Nakiusap silang i-respeto ng publiko ang kanilang naging desisyon at para rin umano ito sa kanilang relasyon
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Agad na naglabas ng pahayag sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad ng tambalang 'Jamill' patungkol sa burado na nilang YouTube channel.
Nalaman ng KAMI na nagulat umano ang mga followers ng 'Jamill' nang mapansing wala na ang YouTube channel ng real-life couple.
Sa kanila namang Facebook page, agad na naglabas ng saloobin ang magkasintahan para sa ikakalinaw ng sitwasyon.
"Sobrang saya nang naexperience namin sa YouTube pero this time mas priority na namin ang Relasyon namin dalawa. Gusto namin Habang buhay talaga kaming nag mamahalan mga Kaigan."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sinubukan pa umano nilang ibalik pansumandali ang kanilang channel ngunit hindi na ito nagawa ng YouTube.
"Nabalitaan namin, hindi na daw talaga maibabalik... So, wala na," pahayag ni Jayzam.
Aminado din ang dalawa na nakaramdam sila ng lungkot sa naging desisyon subalit mayroon pa naman silang ibang social media platforms kung saan pwede silang makapagkumustahan sa kanilang mga 'kaigan' at kanilang mga 'mandirigma.
Nakiusap din sila sa publiko na unawain at irespeto na lamang ang kanilang napagkasunduang desisyon.
Mapapanood ang kabuuan ng kanilang pahayag sa kanilang Facebook page na 'Jamill.'
Kinumpirma na rin ito ni Camille sa kanyang Twitter:
Ang tambalang 'Jamill' ay binubuo ng magkasintahang Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Isa sila sa maituturing na matagumpay ng YouTube couple sa bansa na nagkaroon ng 12.3 million subscribers.
Matatandaang humarap din sa matinding kontrobersiya ang kanilang tambalan dahil sa umano'y naging third party ng kanilang relasyon gayundin ang ilang reklamo sa kanila na nakarating pa sa programang Raffy Tulfo in Action.
Gayunpaman, nalampasan parin ng tambalan ang mga pagsubok na ito gayung nadagdagan pa sila ng daan-daang libong subscribers matapos ang kontrobersiya.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh