JaMill, muling naging usap-usapan matapos mawala ang kanilang YouTube channel
- Matapos makapagpahinga sa pang-iintriga matapos ang sunod-sunod na isyu noong mga nakaraang buwan, muling naging usap-usapan ang tambalang Jamill
- Ito ay matapos mapansin ng mga netizens na hindi na nakikita sa YouTube ang kanilang YouTube channel na mayroon nang napakaraming subscribers
- Kasunod nito ay ang makahulugang post ni Camille Trinidad sa kanyang Instagram account tungkol sa paghahanap ng kapayapaan
- Matatandaang nakarating pa sa programa ni Raffy Tulfo ang problema ng dalawa nito lamang Abril ng kasalukuyang taon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Marami sa mga tagahanga at tagasuporta nina Jayzam Manabat at Camille Trinidad ang nabahala matapos nilang mapansin na hindi na mahanap sa YouTube ang kanilang YouTube channel.
Ang lumalabas lamang kapag sini-search ang kanilang video ay hindi umano ito mapapanood dahil isinara na ng mga nag-upload ang kanilang YouTube channel.
Kasunod nito ay hindi nakalampas sa mga netizens ang makahulugang pahayag ni Camille kaugnay sa pagiging mas mahalaga ng kapayapaan kesa paghihiganti.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaang sunod-sunod ang naging dagok sa magkasintahan matapos ireklamo sila ng isang graphic designer.
Kasunod nito ay lalong lumaki ang isyu nang lumabas ang isang babaeng nagsabing hinalikan siya ng vlogger. Dito na dumami ang nagreklamo at maging si Camille at nagulat sa kanyang natuklasan.
Narito ang reaksiyon ng netizens sa pagkawala ng YouTube channel ng Jamill:
Jamill's Youtube channel?? I'm confused...Deleted??, reported?? Bat biglaan naman at kahit sa Second Channel nila?
Ano po nangyayari sa youtube channel nyo bat nawawala po?
Nalungkot kami ng anak ko wala na kami ma papano2ud na jamill sa YouTube
Ang tambalang JaMill ay binubuo ng magkasintahang sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Sumikat sila sa kanilang mga ginagawang content sa kanilang YouTube channel na mayroon nang mahigit 12 milyon na subscribers.
Bilang kabilang sa pinakamatagumpay na vloggers sa bansa, hindi nakakapagtaka na nakapagpatayo ng kanilang sariling bahay ang magkasintahan.
Nasangkot din sa matinding pambabatikos ang tambalan matapos ang isyu tungkol sa umano'y pambabastos ni Camille sa ina ni Jayzam.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh