Madam Inutz, dinaig sa spelling si Ethel Booba: "Lalabanan kita diyan!"
- Marami ang natuwa sa bonding nina Madam Inutz, Ethel Booba at Donita Nose
- Matatandaang binisita ng dalawang komedyante ang viral online seller kung saan pinakyaw nila ang lahat ng display sa Ukay-Ukay ni Madam Inutz
- Matapos ito, masayang nag-bonding din ang tatlo na animo'y matatagal na raw na magkakasama
- Isa na rito ay nang magka-kantsawan na ang mga ito na magpagalingan sa spelling
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Kinagiliwan ng marami ang makulit na bonding nina Ethel Booba at Donita Nose sa pagbisita nila kay madam Inutz.
Nalaman ng KAMI na ilang araw matapos na mag-viral at maging agaw-eksena ang online seller na si Daisy Lopez o mas kilala bilang si 'Madam Inutz' o 'Queen Inutz' ay sinadya talaga siyang puntahan ng dalawang sikat na komedyante at performer.
Matapos na pakyawin ng dalawa ang mga paninda ni Madam Inutz, nakipag-bonding pa sila sa online seller.
Tuwang-tuwa lalo ang mga netizens nang maisipang magpatagisan sa spelling ang dalawa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Hamon ni Donita, i-spell nina Ethel at Madam Inutz ang salitang 'actually.'
At nang makuha ito ng tama ni Madam Inutz, makulit nilang inasar si Ethel.
Mapapanood ang kabuuan ng video sa Ethel Booba YouTube channel.
Agad na nakilala ng publiko si 'Queen Inutz' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.
Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.
Kamakailan, agad na inanunsyo ni Madam Inutz ang pag-alis niya sa Star Image, halos dalawang araw pa lamang mula nang pumirma siya ng kontrata sa nasabing management.
Ito ay dala umano ng mga komento at payo sa kanya ng netizens, kaibigan at pamilya lalo na at may ilang mga nakita agad silang kamalian umano sa kontratang agad niyang napirmahan.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh