Star Image na umano'y inalisan ni Madam Inutz; "'Di na kami nabigyan ng chance"

Star Image na umano'y inalisan ni Madam Inutz; "'Di na kami nabigyan ng chance"

- Nagbigay na nga pahayag ang Star Image kaugnay sa biglaang pag-alis sa kanila ng viral online seller na si Madam Inutz

- Ayon kina David at Vince ng Star Image Management, nalungkot sila sa naging desisyon ni Madam Inutz makalipas lang ang halos dalawang araw

- Nilinaw nilang mayroon naman silang mga plano para sa viral online seller ngunit depende pa rin umano sa mga nangyayari ngayong pandemya

- Gayunpaman, nirerespeto pa rin naman nila ang naging desisyon ni Inutz na hindi na manatili sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos i-anunsyo ng viral na online seller na si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ang kanyang pag-alis sa Star Image, makalipas lamang ang halos dalawang araw mula nang pumirma siya ng kontrata, marami naman ang nag-aabang na marinig ang panig ng naturang management.

Read also

Madam Inutz, ipinare-report ang fake accounts na ginagamit ang pangalan niya; "Di akin yan!'

Nalaman ng KAMI na minabuti ni Ogie Diaz na hingin din pahayag ng Star Image ukol sa naging desisyon ni Madam Inutz.

Humarap sina David at Vince ng Star Image na siyang unang nag-alok na humawak sana ng career ni Madam Inutz.

Star Image na umano'y inalisan ni Madam Inutz; "'Di na kami nabigyan ng chance"
Daisy Lopez aka 'Madam Inutz' (Photo credit: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Aminadong sila'y naging malungkot sa pag-alis ni Madam Inutz gayung marami pa naman daw silang plano sana pa ra sa nag-viral na online seller.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Una nilang nilinaw na naipaliwanag naman nila ng maayos kay Madam Inutz ang napapaloob sa pinirmahan nitong kontrata.

"Ang concern niya kasi dito, what if a year or two wala na siyang project, nganga siya. Hindi e, kasi we even explained to her na marami possible na pepwedeng maging projects."
"We exert our efforts kasi we don't know what's coming by tomorrow ano nang meron, may COVID ngayon so you know, we will do our very best for every artist naman natin"

Read also

Madam Inutz, dinaig sa spelling si Ethel Booba: "Lalabanan kita diyan!"

Gayunapman, sinabi nina David at Vince na nirerespeto nila ang desisyon ni Madam Inutz na umalis na sa kanila.

"Wala kaming karapatang hadlangan ang mga pangarap niya. Kung iniisip niya na mas makabubuti sa kanya yung pagsosolo which is 'yung mga naririnig niya from everyone na magsolo ka nalang or kung may humawak man sa kanya if ever na iba, we will respect her and we will still support her."

Masakit din umano sa kanila na hindi manlang sila nabigyan ng pagkakataon na makatrabaho si Madam Inutz gayung malinis naman ang kanilang hangarin para rito.

Narito ang kabuuan ng pahayag ng Star Image sa unang bahagi ng Ogie Diaz Showbiz Update:

Agad na nakilala ng publiko si 'Queen Inutz' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Read also

Ethel Booba, game na game na ginaya ang famous line ni Madam Inutz; "O 'di ba?"

Kamakailan, agad na inanunsyo ni Madam Inutz ang pag-alis niya sa Star Image, halos dalawang araw pa lamang mula nang pumirma siya ng kontrata sa nasabing management.

Ito ay dala umano ng mga komento at payo sa kanya ng netizens, kaibigan at pamilya lalo na at may ilang mga nakita agad silang kamalian umano sa kontratang agad niyang napirmahan.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel