Ethel Booba, game na game na ginaya ang famous line ni Madam Inutz: "O 'di ba?"

Ethel Booba, game na game na ginaya ang famous line ni Madam Inutz: "O 'di ba?"

- Tuwang-tuwa ang mga netizens nang magkasama ang viral online seller na si Madam Inutz at si Ethel Booba

- Kasama rin ni Ethel si Donita Nose kaya naman naging makulit ang bonding nila kung saan pinakyaw pa ng mga ito ang paninda ni Madam Inutz

- Lalo na nang gayahin na ni Ethel si Madam Inutz sa kanyang famous line na "O 'di ba?"

- At nakipagsabayan na rin ng online selling si Ethel dahil humingi ito ng tips kay Madam Inutz kung paano maging natural habang nagbibenta online

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming naaliw sa part 2 ng video ng pagdayo nina Ethel Booba at Donita Nose sa bahay ng viral online seller na si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz.

Nalaman ng KAMI na todo bonding ang tatlo at masayang nagkulitan na animo'y matagal nang magkakasama.

Read also

Queen Inutz, nakipagkita kay Ogie Diaz kasunod ng pagbitiw niya sa Star Image

Humingi pa umano ng tips si Ethel kung paano nagagagawa ni Madam Inutz ang kanyang buhay na buhay na live selling na umaaabot sa libo-libo niyang mga viewers.

Ethel Booba, game na game ang famous line ni Madam Inutz; "O 'di ba?"
Ethel Booba kasama si Madam Inutz, Daisy Lopez (Photo from Ethel Booba YT)
Source: Facebook

Ayon kay Ethel, natural daw kasi ang kakulitan ni Madam Inutz sa camera na siyang dahilan kung bakit mas marami ang 'tambay' sa kanyang live selling kaysa sa mga nagma-mine.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Unang ginaya ni Ethel ang famous line ni Madam Inutz na "o di ba?"

Tuwang-tuwa ang mga netizens na nakapanood ng video dahil kuhang-kuha ni Ethel ang linya ni Madam Inutz.

Mapapanood ang kabuuan ng video sa Ethel Booba YouTube channel:

Ethel Booba, game na game ang famous line ni Madam Inutz; "O 'di ba?"
Sina Ethel Booba at Donita Nose nang bisitahin nila si Madam Inutz (Photo credit: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Agad na nakilala ng publiko si 'Queen Inutz' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.

Read also

Madam Inutz, umalis na sa Star Image: "Magulo, as in magulo"

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Kamakailan, agad na inanunsyo ni Madam Inutz ang pag-alis niya sa Star Image, halos dalawang araw pa lamang mula nang pumirma siya ng kontrata sa nasabing management.

Ito ay dala umano ng mga komento at payo sa kanya ng netizens, kaibigan at pamilya lalo na at may ilang mga nakita agad silang kamalian umano sa kontratang agad niyang napirmahan.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel