Madam Inutz, ipinare-report ang fake accounts na ginagamit ang pangalan niya; "Di akin yan!'
- Sa live selling ni Madam Inutz ngayong Agosto 17, nabanggit niya ang mga nagsulputang fake pages niya
- Nilinaw niya kung ano lamang ang legit na Facebook page niya gayung umabot na rin sa 71,000 followers ang pekeng account
- Kaya naman nakiusap si Madam Inutz na i-report ang mga fake accounts na ginagamit lang ang pangalan niya
- Nakiusap din ito sa mga gumagamit ng kanyang pangalan para makagawa ng fake acoount na 'paghirapan' at huwag i-share na lamang mula sa kanyang orihinal na social media page
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Tinawag ng viral online seller na si Daisy Lopez o mas kilala bilang si "Madam Inutz" ang atensyon ng mga gumagawa umano ng fake accounts at ginagamit ang pangalan niya sa social media.
Nalaman ng KAMI na sa live selling ni Madam Inutz ngayong Agosto 17, ipinaalam niya sa kanyang viewers na mayroon nang mga nagsulputang pekeng Facebook accounts na gumagamit ng kanyang pangalan at nagsi-share ng mga videos at post mula sa orihinal niyang account.
Nilinaw ni Madam Inutz na tanging ang 'Daisy_licious Ukay' lamang ang kanyang bukod tanging Facebook page.
Naalarma sila lalo na at nalaman nilang umabot na ng 71,000 ang followers ng isang pekeng account.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"'Yung sa akin Daisy_Licious Ukay Queen of Ukay, Queen of Ukay. Maging aware tayo ah. 'Wag tayong mag-follow-follow diyan ah."
"Paghirapan niyo. Naku! nanggigigil ako sa inyo!"
Nakiusap din si Madam Inutz na i-report ang mga pekeng Facebook page na binanggit din niya sa kanyang live selling.
Agad na nakilala ng publiko si 'Queen Inutz' dahil sa viral live selling niya na pumalo ng 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine.
Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.
Kamakailan, agad na inanunsyo ni Madam Inutz ang pag-alis niya sa Star Image, halos dalawang araw pa lamang mula nang pumirma siya ng kontrata sa nasabing management.
Ilang vloggers na rin ang dumalaw sa kanya tulad nina Ethel Booba, Donita Nose, Wilbert Tolentino na kasama si Herlene "Hipon Girl" Budol.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh