11-anyos na batang nagsauli ng mahigit ₱100,000, hinangaan ang katapatan
- Hinangaan ang isang 11-anyos na batang Ifugao na nagsauli ng halagang ₱100,000
- Nakita umano ito ng bata sa sinakyang jeep at nagkataong ka-barangay nila ang may-ari
- Sa tulong ng kanyang ina, natunton ang may-ari ng pouch na nilagyan ng pera
- Dahil sa katapan ng bata, nakatanggap ito ng ₱10,000 mula sa isang residenteng humanga sa kanyang kabutihan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang bumilib sa 11-anyos na batang si Denard B. Uy-uyon dahil sa pagsasauli nito ng pouch na naglalaman ng mahigit ₱100,000.
Nalaman ng KAMI na ipinagmamalaki ito ng Department of Education (DepEd) Tayo Youth Formation Division Office ng Ifugao nang makumpirma nila ang kabutihang nagawa ng grade 5 student na ito ng Panubtuban Elementary School sa Asipulo District.
Ayon naman sa ulat ng ABS-CBN, napulot umano ni Denard ang pouch ni Myrna Nalliw sa jeep na sinasakyan din ni Denard kung saan tumutulong siya minsan na magbuhat ng mga dala ng pasahero.
Hindi rin namalayan ni Myrna na hulog na ang pouch na naglalaman ng perang pondo ng kanyang pinapasukang trabaho.
Kaya naman malaki ang pasasalamat nito nang biglang tumawag ang ina ni Denard at sinabing napulot nila ang pouch at isasauli rin nila.
Ayon naman kay Denard, isinauli niya ang malaking halaga ng pera dahil na rin sa turo sa kanya ng mga magulang na dapat laging maging matapat sa anumang pagkakataon.
Itinuturing ngayong isang huwaran sa mga kapwa niya bata at mag-aaral si Denard na sana raw ay pamarisan ng marami.
Dahil na rin sa kabutihan ng bata, nakatanggap ito ng ₱10,000 mula sa isang residente na humanga sa kanyang katapatan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ngayong panahon ng pendemya kung saan marami ang talagang hinagupit ng matitinding pagsubok, nakatutuwang isipin na mayroon pa ring mga taong mas isinaalang-alang ang pagiging mabuti kaysa sa kanilang pangangailangan.
Tulad ng katapatan ni Denard, isang residente rin ang hinangaan matapos na magsauli ito ng nahulog na pitaka ng isang delivery rider.
Sa sobrang tuwa ng delivery rider sa residente, naiyak at talagang napayakap ito sa nagsauli sa kanya ng kanyang wallet.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh