80-anyos na nagtapos na 2nd honor sa junior HS, pursigido pang mag-kolehiyo
- Kahanga-hanga ang isang 80-anyos sa Marinduque na nagtapos ng junior high school
- Kinakitaan umano ito ng kanyang mga guro ng determinasyon sa pag-aaral na kahit 'di na face-to-face ang klase, gumawa ito ng paraan
- Dahil dito, nakamit niya ang ikalawang karangalan at determinado pa siyang kumuha ng journalism o Political Science
- Payo ni Tatay Teofilo, hindi hadlang edad sa pag-abot ng pangarap at tulad niya ipagpapatuloy pa niya ito hangga't kaya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Inspirasyon ang hatid ng 80-anyos na si Teofilo Bonites Sr. na nagtapos ng Junior High School sa Marinduque.
Nalaman ng KAMI na sumailalim si Tatay Teofilo sa Alternative Learning System ng Department of Education dala ng pagnanais niyang makatuntong ng high school.
Ayon sa ulat ni Mark Salazar ng GMA News, nabigo noong maipagpatuloy ni Tatay Teofilo ang pag-aaral nang mapadpad siya sa Maynila.
Naging newspaper boy siya ng National Press Club na siyang nagdala sa kanya sa pangarap niya na maging isang reporter.
Dahil dito, desidido si Tatay Teofilo na ituloy pa rin ang pagpasok sa Senior High School hanggang sa tumuntong siya sa kolehiyo kung saan kukunin niya ang kursong journalism o Political Science.
Pinatunayan niyang hindi hadlang ang edad sa pagtupad ng mga pangarap. Katunayan, pinagbuti pa niya ito na kahit nagkaroon ng pandemya at hindi na face-to-face ang klase, sinikap niyang makapagsagot ng kanyang mga modules sa pagkausap niya sa kanyang mga guro online.
Labis siyang nagpapasalamat sa lahat ng kanyang mga naging guro gayundin sa kanyang misis na sobra rin ang kasiyahan na natutupad ang pangarap ng kanyang mister.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nakatutuwang isipin na sa kabila ng suliraning dala ng pandemya ay may mga kwento ng buhay na nagbibigay sa atin ng pag-asa.
Tulad ni Tatay Teofilo, isang estudyante rin ang nakapagtapos ng kolehiyo habang siya ay namamasada ng kanilang jeepney. Sinikap nitong hindi na pahirapan pa ang kanyang mga magulang sa gastusin ng kolehiyo kaya naman siya na mismo ang gumawa ng paraan.
Gayundin ang isang delivery rider na nagawang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho sa kasagsagan pa ng paglaganap ng COVID-19. Kamakailan, isang matamis na ngiti suot ang kanyang toga ang kanyang ibinahagi sa publiko patunay na nagtagumpay siya sa isa sa mga pangarap niya at ito ay ang makatapos ng pag-aaral.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh