Babaeng delivery rider, napalupasay sa kakaiyak nang makitang nanakaw ang kanyang bike

Babaeng delivery rider, napalupasay sa kakaiyak nang makitang nanakaw ang kanyang bike

- Talagang napalupasay sa pag-iyak ang isang babaeng delivery rider nang makitang wala na ang kanyang bisikleta

- Maririnig din ang kanyang matinding paghagulhol dahil nanakaw ang pangunahing gamit niya sa paghahanapbuhay

- Isang babae ang nagmalasakit na bigyan siya ng tubig upang kahit na paano ay mapakalma siya nito

- Ibinahagi ang post upang magbigay babala sa publiko at manawagan na sana'y hindi na mabiktima pa ang sinoman lalo na iyong nagsusumikap na maitawid ang kanilang pang-araw araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang isang video kung saan makikita ang kaawa-awang babae na isang delivery rider matapos na ito ay manakawan ng bisikleta.

Nalaman ng KAMI na talagang napalupasay sa pag-iyak ang babae nang makitang wala na ang kanyang bike.

Kahit may kalayuan ang kuha ng video na ibinahagi rin ng Facebook page na 'Romina', maririnig pa rin ang hagulhol ng babae sa pagkawala ng ginagamit niya sa kanyang hanapbuhay.

Read also

Misis na nagtext lang sa programa ni Tulfo, nagkaroon na ng pambayad sa bahay

Babaeng delivery rider, napalupasay sa kakaiyak nang makitang nanakaw ang kanyang bike
Photo; Food delivery rider (WIkimedia Commons)
Source: UGC

Wala nang nagawa ang babae gayung naitakbo na talaga ang kanyang bisikleta.

Samantala, mapansin din naman ang isang babae na nagmalasakit na bigyan siya ng tubig upang kahit na paano'y makapagpakalma sa rider na labis na umiiyak.

"Grabe talaga yung tao na gumawa nito. Magtrabaho naman sana kayo ng marangal! Grabe hagulgol ni ate kita mo talaga na sobrang importante sa kanya yung bike"
Babaeng delivery rider, napalupasay sa kakaiyak nang makitang nanakaw ang kanyang bike
Photo: Babaeng delivery rider (screengrab from Romina FB page)
Source: Facebook

Narito ang kabuuan ng video:

Sa kabila ng pandemya, nagagawa pa rin na makapanlamang ng ilan sa atin. Madalas pa umanong mabiktima ang mga delivery riders na maituturing na frontliners sa laban natin sa COVID-19.

Kamakailan, 23 na delivery riders ang nabiktima umano ng fake order na dumagsa sa tahanan ng aktres na si Kris Bernal.

Hindi naman ang aktres ang nag-order ng mga ito, At wala rin umano itong koneksyon sa taong umorder.

Humantong pa sa programa ni Tulfo ang sitwasyon kung saan nauwi sa demandahan ang pangyayari.

Read also

OFW, emosyonal nang makita sa unang pagkakataon ang naipatayong tahanan

Aminado ang nabiktimang aktres na hindi niya magawang patawarin ang salaring nakilala na si Ludylyn Odono gayung labis na pambabastos at abala ang naidulot nito maging sa pamilya ni Kris Bernal.

Napag-alaman din nilang hindi lamang si Kris ang nabiktima nito. Maging ang aktres na si Angelika Dela Cruz at ilang miyembro ng SexBomb Dancers ay na-scam din at nagamit ang pangalan ni Odono.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel