Angelika Dela Cruz at ilang SB dancers, ipina-Tulfo rin ang scammer na inireklamo ni Kris Bernal
- Humingi na rin ng tulong kay Raffy Tulfo sina Angelica Dela Cruz at ilang miyembro ng SexBomb dancers
- Ito ay matapos na mabiktima rin sila ng taong inireklamo rin ni Kris Bernal
- Halos hindi nalalayo ang reklamo nila sa isa't isa na nagagamit ang kanilang pangalan sa kalokohan ng scammer
- Nang tanungin ang salarin, inamin naman nito ang pagkakamali at sinabing prank lamang ang kanyang ginawa sa mga showbiz personalities
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Dumulog na rin sa programa ni Raffy Tulfo ang ilan pang mga celebrities na nabiktima umano ng taong una nang inireklamo ni Kris Bernal.
Nalaman ng KAMI na ito ay sina Angelika Dela Cruz at ilang miyembro ng SexBomb dancers na sina Louise Bolton, Mhyca Bautista at Grace Nera.
Lahat sila ang itinuturong scammer ay ang gumagamit ng pangalan na "Jenjen Manalo", "Kian Vargas" na si Ludylyn Odono.
Kwento ni Angelika, nakatanggap umano siya ng mga fake orders na ang ilan ay nagawa pa niyang bayaran sa awa sa delivery rider.
Subalit nang umabot na ito sa halos 15 na beses, doon na siya umalma.
Nalaman na lamang niya na ito ay si Ludylyn nang i-post niya sa social media ang number nito at ilang netizens ang sinubukang magpadala ng pera sa Gcash sa nasabing numero upang mapalabas lamang ang pangalan ng manloloko.
Matindi naman ang naging pahayag ng dating SexBomb dancer na si Louise gayung sinisiraan umano siya ni Odono at nagawa pa nitong ipamalita na mayroong hindi magandang nangyari sa kanya.
Ganoon din halos ang ginawa nito sa dating kapwa niya SB dancer na si Mhyca. Kwento naman ni Mhyca, sinisiraan daw ng scammer ang kanilang mga produkto at nanggugulo pa talaga ito sa kanyang live videos.
Samantala, nang tanungin naman ang salarin, sinabi nitong 'prank' lamang ang kanyang nagawa.
Bagaman at pinagsabihan at pinatawad siya ng tatlong nabanggit, desidido naman si Kris Bernal at Grace Nera na ituloy ang kaso laban kay Odono gayung labis ang nagawa nito na maging ang kanilang pamilya ay naapektuhan.
Ang kabuuan ng video ay mapapanood sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.8 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh