Raffy Tulfo, may ikalawang bahay para may malagyan ng umaapaw niyang koleksyon
- Sobrang namangha si Karen Davila sa dami ng koleksyon ng branded polo ni Raffy Tulfo
- Nilarawan niya ito na mala-department store sa dami ng pamimilian
- Katunayan, kumuha pa talaga ng isa pang bahay si Tulfo upang may mapaglagyan ng kanyang mga koleksyon na damit at sapatos
- Mas lalong nagulat si Karen nang malamang nakapag-donate na si Tulfo ng kanyang mga damit gayung napakarami pa rin ng mga ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nagpaunlak ng panayam si Raffy Tulfo sa isa ring batikang broadcast journalist sa bansa na si Karen Davila.
Nalaman ng KAMI na ito umano ang unang pagkikita nina Raffy at Karen gayung pareho ang linya ng kanilang propesyon.
Sa vlog ni Karen, ipinakita ang nakakalulang koleksyon ng mga branded polo ni Tulfo.
Labis siyang namanghanang makita ang isang buong kwarto na puro lamang mga polo ni Tulfo na umaabot sa Php50,000 ang isang piraso.
"Oh my Gosh! Raffy, this is like department store levels," nasambit ni Karen sa pagpasok pa lang sa kwarto ng koleksyon ni Tulfo.
Mas lalong nagulat si Karen nang malamang kumuha pa talaga ng pangalawang bahay si Tulfo dahil wala nang mapaglagyan ang kanyang mga koleksyon na damit at sapatos.
Kwento niya, nakapag-donate na umano siya ngunit sadyang marami ang kanyang koleksyon dahil sa ang misis niya ang bumibili ng mga ito.
Hindi pa man naipakita sa vlog ni Karen, ngunit isa rin sa mga kinokolekta ni Tulfo ay ang mga sapatos na talaga namang kakaiba at nakakalula rin sa mahal.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.8 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh