Mga 'single' na nagkakilala sa Eat Bulaga, magkasintahan na ngayon

Mga 'single' na nagkakilala sa Eat Bulaga, magkasintahan na ngayon

- Muling nagpakilig sina "Steffi at Jeremy" na naging bahagi ng Bawal Judgmental ng Eat Bulaga

- Pareho silang single noon at nakuha pa silang kantsawan ng mga EB host na sina Wally at Jose

- Matapos ang pagkakilala ng dalawa sa Bawal Judgmental, naging Facebook friends na sila at muling nagkita

- Sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba sa kani-kanilang personalidad, nagtataka umano ang mga taong nakakakilalal sa kanila kung paano sila nagkakasundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinumusta ng 'Eat Bulaga' ang mga naging panuhin nila sa 'Bawal Judgmental' noong January 30 ng 2020 na sina Steffi at Jeremy.

Parehong single ang dalawa noon at nakuha pa silang tuksuin nina Wally at Jose.

Matapos ang pagkakakilala sa programa, naging Facebook friends na ang dalawa.

Mga 'single' na nagkakilala sa Eat Bulaga, magkasintahan na ngayon
Sina Steffi at Jeremy (From Eat Bulaga)
Source: Facebook

Hanggang sa inaya na ni Jeremy na muli silang magkita ni Steffi. Unti-unti nilang nakikilala ang isa't isa hanggang sa tuluyang nagkamabutihan.

Read also

Jomar Lovena, pinabulaanan ang bintang sa kanya kaugnay sa 1 milyong utang nya

Kwento pa ni Steffi, nag-usap talaga sila ng seryoso ni Jeremy patungkol sa kung anuman ang itinatakbo ng kanilang relasyon.

Dahil dito, kahit marami ang nakakapansin na magkaiba ang kanilang personalidad, marami rin ang nakakapansin at humahanga kung paano sila nagkakasundo.

Nakilala at nakakasama na rin nila ang pamilya ng bawat isa.

Sa kabila ng magandang itinatakbo ng kanilang relasyon, patuloy pa rin ang kanilang dalangin na patnubayan pa rin sila ng Panginoon sa kung anuman ang patutunguhan ng kanilang pagmamahalan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan, isa ring kwento ng pag-ibig mula sa 'Bawal Judgmental" ang umantig sa puso ng marami nang ibanahagi ni Danny Cortezano kung paano tumagal ang relasyon niya kay Lorna kahit 34 taon ang agwat ng kanilang edad. Subalit kahit masaya at tumatagal ang kanilang pagsasama, binawian na rin ng buhay si Lorna bago matapos ang taong 2020.

Read also

OFW, emosyonal nang makita sa unang pagkakataon ang naipatayong tahanan

Ang "Bawal Judgmental" ay bahagi ng longest noontime show sa Pilipinas na "Eat Bulaga". Mapapanood ito araw-araw mula Lunes hanggang Sabado sa GMA.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel