Magnanakaw sa Maynila, nahuli dahil sa 'mala-Jackie Chan' na pagsipa ng isang residente
- Nag-viral ang video ng Brgy. 248 sa Maynila kung saan naaktuhan ang pagsipa ng isang lalaki sa tumatakbong kawatan
- Makikita sa CCTV ang pagtakbo at pagtakas sana ng magnanakaw nang maaktuhan ng lalaki at masipa ito
- Natumba ang kawatan dahilan para tuluyan na itong madakip ng awtoridad
- Paalala naman ng barangay chairman na maging maingat pa rin sa pamamagitna sa ganoong uri ng sitwasyon na kinakitaan pa rin ng panganib
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw eksena ang lalaking si Victor dela Cruz ng Maynila nang mag-ala 'Jackie Chan' ito sa pagsipa sa isang magnanakaw.
Nalaman ng KAMI na kitang-kita sa CCTV footage ng Brgy. 248 sa Maynila ang tangkang pagharang ng dalawang lalaki sa kawatan na hinahabol na at nagtatangkang tumakas.
Sakto ang pagsipa ni Dela Cruz dahilan para matumba ang lalaki sa gilid ng kalsada.
Nadakip kawatan dahil sa hindi na muli itong nakatayo para tumakbo.
Ayon sa ulat ng GMA News, mismong ang kanilang Barangay Chairman ang nagdesisyong ibahagi ang nakunang CCTv footage dahil na rin sa paghanga niya sa mala-Karate Kid na pagsipa ni Dela Cruz.
Pinasalamatan din niya ito subalit nagpaalala na rin siya sa publiko na mag-ingat din sakaling maisipang pumagitna sa isang gulo kahit pa ang intensyon ay tumulong. Paalala rin niya ang nakaambang panganib kaya mabuting ipaubaya pa rin sa mga awtoridad ang ganitong uri ng sitwasyon.
Samantala, nang tanungin naman si Dela Cruz kung saan umano niya natutunan ang kanyang galawang nakapagpatumba sa magnanakaw, sinabi niyang tila naka-tsamba lamang siya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tila naglipana ang mga kawatan kamakailan sa kabila ng patuloy na pagpapahirap sa atin ng pandemya.
Matatandaang isang babaeng delivery rider ang talagang napalupasay nang makitang ninakaw na pala ang kanyang bisikleta na pangunahin niyang ginagamit sa paghahanapbuhay.
Marami ang nadurog ang puso nang mapanood ang video ng babaeng maayos na naghahanapbuhay ngunit kamalasan ay nakaranas pa na pagnakawan.
Hindi rin nalalayo sa insidenteng ito ang isang delivery rider na nanakawan ng cellphone. Isang grupo naman ng mga motorcycle riders ang nagmalasakit na bigyan ng bagong cellphone ang delivery rider upang maipagpatuloy pa rin nito ang kanyang hanapbuhay.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh