Vlogger na si Basel Manadil, trip pala talaga ang mga Pinay; "I love them!"

Vlogger na si Basel Manadil, trip pala talaga ang mga Pinay; "I love them!"

- Sa isang bihirang pagkakataon, nabanggit ng vlogger na si Basel Manadil ang tipo niyang babae

- Madalas kasing mapanood lamang sa kanyang mga vlogs ang pagtulong niya sa mga Pinoy na kapos-palad

- Napaamin siya ni Toni Gonzaga at nasabi ni Basel na para kay Basel 'cute' daw talaga ang mga Pinay

- Naikwento rin ni Basel ang kanyang buhay mula nang mapadpad siya sa bansa noong 2013 at kung paano siya namuhay mag-isa mula noon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging panauhin ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube channel ang sikat na vlogger sa bansa na si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer.'

Sa isang bihirang pagkakataon, naitanong ni Toni kung ano ang palagay ni Basel sa mga "Filipino women."

"I love Filipino women," bungad ni Basel. "They're cute!" dagdag pa niya.

Read also

Nag-viral na magkababata sa TikTok, muling nagpakilig sa KMJS

Vlogger na si Basel Manadil, trip pala talaga ang mga 'Filipina girls'
Vlogger na si Basel Manadil (Photo credit: The Hungry Syrian Wanderer)
Source: Instagram

Paliwanag ni Basel, matatangkad daw kasi talaga ang mga babae sa kanilang lugar sa Syria.

Ginawa niyang halimbawa ang kanyang kapatid na babae na halos kasing taas na niya.

Si Basel na may taas na 6'1, tinatayang nasa 5'9 o 5'11 daw ang kanyang kapatid na babae.

Kaya namana nilarawan niya ang mga Pinay na 'cute'. "Easy to move, easy to hug, easy to carry," ayon pa kay Basel.

Ayon pa sa kilalang YouTuber, mukha rin talaga ng mga Pinay ang una niyang napapansin.

Bukod sa makulit nilang kwentuhan ni Toni tungkol sa mga 'Filipina,' naikwento rin ni Basel ang buhay niya mula nang mapadpad siya sa bansa noong 2013.

Narito ang kabuuan ng panayam ni Toni Gonzaga kay Basel mula sa YouTube channel niyang Celestine Gonzaga-Soriano:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Basel Manadil, pinahanga si Toni Gonzaga sa pagmamahal niya sa Pilipinas

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO ay mayroon na rin siyang Korean grocery store.

Nitong pandemya, ilan sa mga natulungan ni Basel ay ang grupo ng mga jeepney at bus drivers na nabiyayaan niya ng nasa Php10,000 kada isang mati-tyempuhan niyang bigyan sa kalsada.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica