61-anyos na kasambahay, 'di makapaniwala sa malaking tulong na ibinigay sa kanya ng vlogger
- Hindi makapaniwala ang 61-anyos na kasambahay na napiling tulungan ng vlogger na si Basel Manadil
- Ang kasambahay ay ina ng isa sa mga masisipag na empleyado ni Basel
- Naaksidente rin ang ina na nabundol umano ng motor kaya ito rin ang napili niyang tulungan
- Nang maipaliwanag ni Basel ang kanyang pagtulong, sinabi ng kasambahay na ipangnenegosyo niya ang pera
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Halos hindi makapaniwala ang 61-anyos na kasambahay sa laki ng biyayang ipinagkaloob sa kanya ng vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer.'
Nalaman ng KAMI na ang kasambahay ay ina ng isa sa mga masisipag na empleyado ni Basel na si Jerus.
Kamakailan ay naaksidente rin ito at nabundol ng motorsiklo kaya rin minabuti ni Basel na tulungan ang mag-ina.
Nagkunwaring ipalilinis ni Basel ang bagong gawa niyang bahay sa mag-ina sa loob lamang ng isang oras.
Hindi naman nagtaka o nagreklamo ang ina ni Jerus na nagsimulang maglinis pagkarating pa lang sa bahay ni Basel.
Ngunit agad din naman itong natigil dahil sa inabot na ng vlogger ang sobre na naglalaman ng biyaya para sa kasambahay.
Talagang hindi ito makapaniwala na inabutan na lamang siya ni Basel ng ganoong halaga.
Inakala pa nito na iyon na ang sahod ng kanyang anak na sa kanya lamang iniaabot ng amo nito.
Matapos ang matinding palinawagan, mas lalong humanga si Basel nang nag-alok pa rin ang ina ni Jerus na tawagin lamang siya kung may kailangang ipalinis o ipagawa bilang pasasalamat sa natanggap na tulong pinansyal.
Binalak na rin niyang magtayo ng munting negosyo at nangakong hahawakan ng maayos ang pera.
Narito ang kabuuan ng video mula sa The Hungry Syrian Wanderer YouTube channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.
Ilan sa mga grupo na kanyang natulungan ngayong pandemya ay ang mga jeepney at bus drivers gayundin ang mga masu-swerteng delivery riders na nabigyan niya ng tulong pinansyal.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh