Nag-viral na magkababata sa TikTok, muling nagpakilig sa KMJS
- Kinumusta ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang minsan na nilang naitampok na sina Kenneth at Julienne
- Madalas nang nagkakasama ang dalawa buhat nang muling magkita dahil na rin sa KMJS
- Nagkaroon na rin sila ng YouTube Channel kung saan mahigit 300,000 na ang kanilang mga subscribers sa loob lamang ng ilang linggo
- Sinabi na rin ng dalawa ang real score sa kanilang espesyal na pagkakaibigan ngayong nagkita na muli sila makalipas ang 14 na taon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nang kumustahin ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sina Juliene Karl Genove o "Yen" at ang kababata niyang si Kenneth Español sinabing marami nang nabago sa kanilang samahan.
Nalaman ng KAMI na madalas nang nagkikita ang dalawa lalo na ngayon na mayroon na silang sariling YouTube channel na KenYen Official.
Sa loob lamang ng ilang linggo mula nang mailunsad nila ang nasabing channel, pumalo na agad sa mahigit 300,000 ang kanilang mga subscribers.
Halos hindi nga rawa makapaniwala ang dalawa na marami ang tumatangkilik sa kanila.
Maging ang mga overseas Filipino workers ay napapasaya raw nila tuwing napapanood ng mga ito ang kanilang mga video.
At ang isa pa sa nagpakilig sa mga netizens ay nang kumpirmahin na ni Ken ang 'real score' ng espesyal na relasyon nila ni Yen.
Bagaman at bawal pa talagang ligawan si Yen na binabantayan din ng kanyang mga magulang lalo na ng kanyang ina hayangang sinabi ni Ken na "walang label pero may feelings" daw sila sa isa't isa.
Ayon pa kay Yen, nais pa nilang makilala ng husto ang isa't isa at mapalalim pa ang kanilang pagiging magkaibigan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Isa ang programa ng broadcast journalist na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy linggo-linggo.
Isa sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pagtawid ng mga guro sa ilog makapaghatid lamang ng mga learning modules sa kanilang mga estudyante.
Tinutukan din ang kwento ng batang nag-aararo na sa mura niyang edad na natulungan naman ng marami buhat nang maibahagi sa KMJS ang kanyang kwento.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh