Magkababatang nag-viral sa TikTok, muling kinumusta ng KMJS

Magkababatang nag-viral sa TikTok, muling kinumusta ng KMJS

- Kinumusta ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang magkababatang sina Kenneth at Julienne

- Kamakailan kasi ay nagkaroon na rin sila ng sarili nilang YouTube channel

- Kaya naman aminado ang dalawa na kahit magkalayo, madalas silang nagkikita

- Ipinakilala na rin nila ang isa pang bata na nakasama nila sa larawang ibinahagi ni Julienne

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling kinumusta ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang minsan na nilang naitampok sa programa na sina Juliene Karl Genove o "Yen" at ang kababata niyang si Kenneth Español.

Matatandaang sina Ken at Yen ang magkababata na nahanap ang isa't isa dahil sa TikTok at sa tulong ng programang KMJS, naisakatuparan ang kanilang pagkikita.

Read also

Mag-amang 41 taong 'di nagkikita, magtatagpo na sa tulong ng RTIA

Magkababata na nag-viral sa TikTok, muling kinumusta ng KMJS
Sina Yen at Ken kasama si Utoy (Photo credit: Kapuso Mo, Jessica Soho)
Source: Facebook

Madalas na ring nagkakasama sina Ken at Yen dahil naibahagi nila na nagkaroon na sila ng YouTube channel ang KenYen Official kung saan mayroon na silang 303,000 subscribers mula nang ilunsad nila ito noong Hulyo 2.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang ang video nila na may pamagat na 'Getting to know us' ay mayroon nang mahigit 1 million na views.

Kwento pa ni Yen, hindi nila inakala na marami palang natuwa sa kwento nila ng kanyang kababatang si Ken. Katunayan, maging ang mga OFW ay napapasaya nila.

Isa ring naitampok sa KMJS sa pagkumusta nila sa magkababata ay ang isa pang batang lalaki na kasama rin sa larawang nag-viral nina Ken at Yen.

Ito raw ay si Frederik "Utoy" Genove na pinsan pala ni Yen sa kanyang father side.

Tila nakahinga ng malalim ang kanilang mga fans dahil sa pag-aakalang ito ang hahadlang sa namumuong pagkakamabutihan ng bagong inaabangang love team sa social media.

Read also

Ivana Alawi, handang ubusin ang pera gumaling lang ang kapatid na si Mona Alawi

Narito ang kabuuan ng video mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa ang programa ng broadcast journalist na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy linggo-linggo.

Isa sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pagtawid ng mga guro sa ilog makapaghatid lamang ng mga learning modules sa kanilang mga estudyante.

Tinutukan din ang kwento ng batang nag-aararo na sa mura niyang edad na natulungan naman ng marami buhat nang maibahagi sa KMJS ang kanyang kwento.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica