Mag-amang 41 taong 'di nagkikita, magtatagpo na sa tulong ng RTIA
- Magkikita na sa kauna-unahang pagkakataon ang mag-amang sina Myrna Dela Cruz at Recto Matorre
- Humingi na ng tulong si Myrna sa 'Raffy Tulfo in Action' upang makilala at makasama ang ama na 41 taon na niyang hindi nakikita
- Mababakas ang saya ng ama habang binabanggit pa lamang sa kanya na magkikita na sila ng kanyang anak na si Myrna
- At nang makausap niya ito, hindi lalong natinag ang mga ngiti ng ama na nasasabik na rin talagang makita ang kanyang anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa kauna-unahang pagkakataon, magkikita na ang mag-amang sina Myrna Dela Cruz at Recto Matorre.
Nalaman ng KAMI na dumulog na si Myrna sa programa ni Raffy Tulfo na Wanted sa Radyo upang mahanap at mapuntahan na niya ang amang mahigit apat na dekada na niyang nais na makilala.
Mababakas ang saya ni Tatay Recto nang ipaalam pa lamang sa kanya ni Atty. Garreth Tungol na gagawa ng paraan ang Raffy Tulfo in Action na magkasama sila ng anak na si Myrna.
Pasasamahan nila ito sa staff at bibigyan ng pamasahe nang sa gayon matupad na ang hiling ni Myrna na makilala ang ama.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Hindi lalong natinag ang mga ngiti ni Tatay Recto nang makausap na niya ang kanyang anak
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.8 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayang naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Isa rin si Raffy Tulfo sa mga tatakbong kandidato sa pagka-senador sa 2022 Elections.
Source: KAMI.com.gh