Raffy Tulfo, naghain na ng COC sa pagtakbo bilang senador sa Eleksyon 2022

Raffy Tulfo, naghain na ng COC sa pagtakbo bilang senador sa Eleksyon 2022

- Naghain na ng certificate of candidacy ang tinaguriang 'hari ng public service' na si Raffy Tulfo

- Ito ay para sa pagtakbo niya ng pagka-senador sa May 2022 elections

- Dalawang programa ang tuluyan nang binitawan at iniwan ni Tulfo upang magbigay daan sa halalan na gaganapin sa susunod na taon

- Una nang napabalita na kakandidato siya bilang bise-presidente ng bansa na pinabulaanan agad niya dahil umano sa mataas na respeto niya kay Pangulong Rodrigo Duterte

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tuloy-tuloy pa rin ang serbisyo publiko ni Raffy Tulfo na kumpirmado na ang pagtakbo sa May 2022 Elections.

Nalaman ng KAMI na kakandidato si Tulfo bilang senador ng bansa sa Eleksyon 2022.

Ayon sa Philippine Star, tuluyan nang naghain ng certificate of candidacy ang tinaguriang 'hari ng public service'.

Read also

Manny Pacquiao, kinumpira ang pamamahagi ng tulong; nilinaw na bahagi ito ng "charity work"

Sa Instagram post ng Raffy Tulfo in Action, sinabing independent candidate si Tulfo.

Raffy Tulfo, naghain na ng COC sa pagtakbo bilang senador sa Eleksyon 2022
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito ay nakumpirma isang araw matapos na iwan ni Tulfo ang dalawang programa niya sa TV 5.

Una niyang inihayag ang pamamaalam ng kanyang morning show na 'Idol in Action' sa ere na hanggang sa huling episode nito ay nakatulong pa rin siya sa ilang masuswerte nilang tagasubaybay maging sa mga staff at crew niya sa programa.

Maging sa Frontline Pilipinas ay namaalam na rin ito at inihabilin ang programa sa kanyang ka-tandem na si Cheryl Cosim.

Una nang naging matunog ang pagtakbo umano ni Tulfo sa pagka-bise presidente ng bansa na agad naman niyang pinabulaanan.

Ito ay sa kadahilanang, mataas daw ang respeto niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na nababalitang kakandidato bilang VP sa Elections 2022. Ayaw niya raw itong makabangga.

Read also

Isko Moreno, patuloy ang umano'y patutsada sa politika: "Forward, not backward"

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga kilalang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.7 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica