Raffy Tulfo, nilinaw na hindi siya tatakbo bilang bise presidente ng bansa sa Eleksyon 2022

Raffy Tulfo, nilinaw na hindi siya tatakbo bilang bise presidente ng bansa sa Eleksyon 2022

- Naglabas na ng pahayag si Raffy tulfo kaugnay sa nababalitang tatakbo umano siya sa pagka-bise presidente ng bansa sa Halalan 2022

- Diretsahan niyang sinabi na wala umano itong katotohanan bagaman at marami talagang nag-alok sa kanya bilang running mate

- Isa sa kanyang dahilan ay ang mataas na respeto niya umano kay Pangulong Rodrigo Duterte

- Matatandaang matunog din ang pagtakbo ni Duterte sa pagiging pangalawang pangulo ng bansa sa eleksyon sa susunod na taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbigay na ng pahayag ni Raffy Tulfo kaugnay sa bali-balita umano na kakandidato siya bilang bise president ng bansa sa Halalan 2022.

Sa kanyang programang Wanted sa Radyo, naglaan siya ng oras para linawin ang mga isyu kaugnay sa sinasabing pagtakbo raw niya sa susunod na eleksyon.

Raffy Tulfo, nilinaw na hindi siya tatakbo bilang Bise Presidente ng bansa sa Eleksyon 2022
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

"This will be my first and last statement hinggil sa isyu. After that, move on na ako. At sana maging kayo, move on na rin," panimula ni Tulfo.

Read also

Manny Pacquiao, kinumpira ang pamamahagi ng tulong; nilinaw na bahagi ito ng "charity work"

"Hindi po ako tatakbo sa pagka-bise presidente. Again, hindi po ako tatakbo sa pagka-bise presidente sa darating na halalan," pagbibigay diin niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit hindi niya maikaila na mayroong mga nag-aalok sa kanya na maging ka-tandem nila sa darating na eleksyon ngayon tinanggihan niya ang mga ito.

"'Yun po ay tinanggihan ko, I said no!" diretsang sinabi ni Tulfo.

Isa sa kanyang dahilan ay ang mataas na respeto niya umano kay Pangulong Rodrigo Duterte na matunog na tatakbo umano bilang pangalawang pangulo sa Halalan 2022.

"Wala po akong intensyon na babanggain po siya sa darating na halalan."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikan at respetadong broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Read also

Noli De Castro, umatras na sa pagkandidato bilang senador sa Eleksyon 2022

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 22.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Nais lamang ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica