Raffy Tulfo, sinagot ang honeymoon ng newlyweds na umano'y na-scam ng wedding coordinator nila

Raffy Tulfo, sinagot ang honeymoon ng newlyweds na umano'y na-scam ng wedding coordinator nila

- Sinagot na ni Raffy Tulfo ang honeymoon ng mag-asawang naloko ng kanilang wedding coordinator

- Matatandaang nag-viral ang larawan at video ng bride na umiiyak kamakailan

- Ito ay dahil sa tinakasan na umano sila ng kanilang wedding coordinator na walang nai-book na venue at food para sa reception

- Sa tindi ng sama ng loob, humingi na ng tulong kay Raffy Tulfo ang bagong kasal lalo na at sa umpisa'y nagtago ang wedding coordinator

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sasagutin na ni Raffy Tulfo ang honeymoon nina Cherry Pie Satingasin at mister nito matapos na sila'y maloko umano ng kanilang wedding coordinator.

Matatandaang si Cherry Pie ang nag-viral kamakailan dahil sa paghagulhol nito sa pag-iyak at talagang napaupo sa sama ng loob nang makitang wala palang nai-book na venue ng reception ang wedding coordinator nilang si Naser Fuentes.

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

Raffy Tulfo, sinagot ang honeymoon ng newlyweds na umano'y na-scam ng wedding coor nila
Raffy Tulfo, (Photo credit: @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Dahil dito, dumulog si Cherry Pie at kanyang mister sa 'Idol in Action' ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong na mahanap si Naser na agad na nagtago matapos ang insidente.

Naikwento ni Cherry Pie na makailang beses nilang tinatawagan noon si Naser na nagpaalam na may bibilhin lamang para pa rin sa kasalan ngunit hindi na ito bumalik.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayon, matapos na maisa-ere ang hinaing ni Cherry Pie programa ni Tulfo, nadakip na ng mga awtoridad ang wedding coordinator na masasampahan ng kasong estafa.

Samantala, sina Cherry Pie ay pinapipili ni Tulfo ng lugar kung saan nito guston mag-honeymoon kasama ang mister at wala nang babayaran.

Bukod dito, si Tulfo na rin ang magbabayad sa iba pang mga nagbigay serbisyo sa kasalan na hindi na nabayaran pa ng tumakas ng wedding coordinator.

Read also

Video ng BF na hinimatay muna bago mag-propose sa nobya, nagpakilig sa netizens

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikan at respetadong broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 22.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel