Kaso ng dating maid laban sa anak ni Lucio Tan, naipanalo na sa piskalya

Kaso ng dating maid laban sa anak ni Lucio Tan, naipanalo na sa piskalya

- Nagbigay na si Raffy Tulfo ng update tungkol sa kasong isinampa ng dating kasambahay sa kanyang naging amo na anak ni Lucio Tan

- Ayon kay Atty. Freddie Villamor, naipanalo na ang kaso sa piskalya kaya naman tila nagkaroon ng pag-asa ang dating maid

- Walang pagsidlan ng kasiyahan ang dating kasambahay dahil hindi niya inaasahang gugulong ang hustisya at papanig sa ordinaryong tao tulad niya

- Gayunpaman, maari pa rin umanong umapela ang akusado sa court of appeals at ang pinakahuling hahawak nito ay ang korte suprema

- Ngunit paliwanag ni Tulfo, kung manalo sa tatlong proseso, kadalasang hindi na binabawi ng supreme court ang hatol

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ni Raffy Tulfo ang update tungkol sa kasong isinampa ng dating kasambahay na si Rocelle Siay laban sa naging amo niyang si Timmy Tan, anak ng business tycoon na si Lucio Tan.

Read also

Toni Gonzaga, trending sa Twitter dahil umano sa interview niya kay Bongbong Marcos

Matatandaang nag-ugat lamang ang reklamo dahil umano sa pagluluto ng hotdog ni Rocelle na nauwi sa pag pagtatalo nila ni Timmy. Nagawa rin daw umanong utusan ni Timmy ang bodyguard nito na gawan ng hindi maganda si Rocelle.

Kaso ng dating maid laban sa anak ni Lucio Tan, naipanalo na sa piskalya
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na tinutukan ng 'Raffy Tulfo in Action' ang naturang kaso at sumama pa noon si Tulfo kay Rocelle sa pagsasampa nito ng kaso laban sa dating amo.

Sa update na ibinigay ni Atty . Freddie Villamor ng ACT-CIS, sinabi nitong naipanalo na sa piskalya ang naturang reklamo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman nang makapanayam na ni Tulfo si Rocelle, naiyak ito sa sobrang saya. Aniya, 'Tears of Joy' lamang ito dahil hindi niya akalaing papanig sa kanya ang unang hakbang ng hustisya gayung 'kilalang bilyonaryo' ang kanyang inakusahan.

Read also

Kainan sa America na may 'karinderya feels,' binabalik-balikan kahit ng ibang lahi

Gayunpaman, maari pa rin umanong umapela ang akusado sa court of appeals at ang pinakahuling magdedesisyon dito ay ang korte suprema.

"Nanalo tayo sa MTC, sunod niyan, pwede pa naman siyang mag-apela tinatawag na CA, court of appeals. And then last stop, supreme court. E kung manalo tayo sa 1,2,3 usually supreme court hindi na binabago yan e," paliwanag ni Tulfo.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 22 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica