Noli De Castro, umatras na sa pagkandidato bilang senador sa Eleksyon 2022
- Tuluyan nang umatras sa pagkandidato bilang senador ang kilalang news anchor na si Noli De Castro
- Ito ay matapos niyang magsumite ng certificate of candidacy noong Biyernes, Oktubre 8
- Matatandaang isa sana si Kabayan Noli sa mga senador na kapartido ni Mayor Isko Moreno na tatakbo naman sa pagka-pangulo
- Mas matimbang pa rin umano sa kanya ang pagiging mamamahayag kaysa ang pumasok muli sa politika
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nagbago umano ang plano ni Noli De Castro at binawi na ang kanya sanang pagkandidato bilang senador sa Eleksyon 2022.
Nalaman ng KAMI na inaasahang makikita muli si "Kabayan Noli" bilang isang news anchor dahil ito ang mas pinili niya kaysa pasukin muli ang politika.
Sa official statement na kanyang inilabas at naibahagi rin ng ABS-CBN News, nabanggit ni De Castro na ipagpapatuloy pa rin niya ang paglilingkod sa publiko sa pamamagitan ng pagbabalik niya sa pagiging mamamahayag.
Nais kong iparating sa lahat ng aking mga kaibigan at supporters na naghahanda na sanang tumulong sa akin na nagpasiya akong hindi na ituloy ang aking kandidatura
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kasabay ng pagdarasal sa Poong Nazareno, napag-isip-isip kong mas makatutulong ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag
Pinasalamatan din niya si Mayor Isko na kanya sanang magiging kapartido sa Aksyon Demokratiko.
Nais ko pong magpasalamat kay Mayor Isko Moreno at sa mga bumubuo ng Aksyon Demokratiko sa ibinigay na tiwala at tulong sa akin sa unang araw pa lamang na maging miyembro ako ng Partido. Maraming salamat po.
Ang desisyon na ito ni De Castro ay nirerespeto umano ni Mayor Isko at sinabing patuloy na lamang nila itong kokonsultahin lalong -lalo na pagdating sa serbisyo publiko.
Si Noli de Castro ay isa sa mga batikang broadcaster sa Pilipinas. Taong 2001 nang maging isa siyang senador ng bansa at kalauna'y nagwagi bilang bise presidente sa termino ni dating presidente Gloria Macapagal-Arroyo.
Nito lamang Oktubre 7, namaalam si 'Kabayan Noli' sa TV Patrol. Ito ay isang araw bago siya magsumite ng certificate of candidacy noong Oktubre 7 sa pagkandidato sana niya sa pagka-senador sa darating na 2022 Elections.
Source: KAMI.com.gh