Isko Moreno, patuloy ang umano'y patutsada sa politika: "Forward, not backward"

Isko Moreno, patuloy ang umano'y patutsada sa politika: "Forward, not backward"

- Sa isang kaganapang dinaluhan ni Mayor Isko Moreno, napunta umano ang kanyang mensahe sa usaping pulitika

- Ito ay patungkol sa pag-move "forward, not backward" na sinundan ng paalalang huwag maniniwala sa mga taong nagbabalik pa ng nakaraan

- Matatandaang naging maanghang na ang una nitong pahayag kaugnay sa rason umano ng pagtakbo ni Vice President Leni Robredo

- Nabanggit niya ang mga katagang 'Yellowtards, ay pink na pala' na nagpaigting ng diskusyon sa social media maging ng ibang mga kilalang personalidad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumalo sa isang kaganapan sa Division of City Schools Manila ngayong Oktubre 11 si Mayor Isko Moreno.

Isko Moreno, patuloy ang umano'y patutsada sa politika: "Forward, not backward"
Isko Moreno, patuloy ang umano'y patutsada sa politika: "Forward, not backward"
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa kanyang pagharap sa mga guro ng kanilang lungsod, nauwi sa usaping politika ang kanyang naging pahayag.

"We must move forward, forward not backward," ang bungad ni "Yorme" na tawag sa kanya ng mga 'Batang Maynila.'

Read also

Madam Inutz, TJ at Brenda Mage, napasabak sa unang task sa loob ng PBB house

"'Wag tayong maniniwala sa mga taong lagi na lang ipinaalala sa atin 'yung mga taong nakalibing na," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang noong nakaraang linggo, gumawa ng ingay sa social media ang umano'y naging pahayag ni Mayor Isko sa sinasabing rason umano ng pagtakbo ni Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo sa Eleksyon 2022.

"Talaga? So 'yun lang ang dahilan niya? 'yun lang ang dahilan niya kung bakit siya tatakbo dahil lang laban sa mga Marcos na naman?"

Sinundan pa ito ng mas maaanghang na salita at nakapagbitaw pa umano ito ng mga katagang 'Yellowtards, ay pink na pala'.

"Bakit kailangang uminog ang mundo namin ngayon sa away ng Marco at Aquino, Sa away ng anak ni Marcos at mga anak at kasama ng Yellowtards, ay pink na pala sorry"

Read also

Manny Pacquiao, kinumpira ang pamamahagi ng tulong; nilinaw na bahagi ito ng "charity work"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa ABS-CBN News:

Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.

Ginanap ang pag-anunsyo ni Mayor Isko ang kanyang pagkandidato bilang pangulo ng Pilipinas sa Baseco compound sa Tondo, Maynila noong Setyembre 22.

Una nang napatutsadahan ni Isko si VP Leni Robredo patungkol sa umano'y pagtakbo nito bilang independent candidate at hindi na sa ilalim ng partido Liberal na naging rason umano ng pagpapalit din nito ng campaign color na ngayon ay 'pink' na.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica