VP Leni Robredo sa pagpili ng pink at hindi yellow: "Iba na ang laban ngayon"

VP Leni Robredo sa pagpili ng pink at hindi yellow: "Iba na ang laban ngayon"

- Ipinaliwanag ni Vice President Leni Robredo kung bakit 'pink' at hindi 'yellow' ang napili niyang campaign color

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Aniya, iba na ang laban ngayon at lalo na at isa sa umano'y mga kakandidato ay anak ng 'diktador'

- Nabanggit din niya ang tungkol sa pagtakbo bilang isang independent candidate

- Sinabing pinili rin niya si Senator Kiko Pangilinan bilang kanyang running mate dahil umano sa karanasan nito bilang isang mambabatas at dating naging presidential adviser sa food security

Sa press conference na ginawa nina Vice President Leni Robredo at kanyang running mate na si Senator Kiko Pangilinan, isa sa kanyang nasagot ay kung bakit pink o "kalimbahin" ang napili niyang campaign color.

Nalaman ng KAMI na dating chairperson ng Partido Liberal si Robredo ngunit mas pinili nitong tumakbo bilang independent candidate.

Read also

Ivana Alawi, handang ubusin ang pera gumaling lang ang kapatid na si Mona Alawi

VP Leni Robredo sa pagpili ng pink at hindi yellow: "Iba na ang laban ngayon"
Photo: VP Leni Robredo
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"I ran as an independent because it is our symbolic way of saying that bukas kami sa pakikipagalyansa sa maraming partido,"
"This is about inclusivity. 'DIi naman ako kumandidato pagkapangulo para sa partido kundi para pag-isahin ang lakas ng sambayanan"

Ipinaliwanag ni Robredo na pink ang kanyang ginamit na kulay dahil iba na raw ang laban ngayon.

"Yellow is a color of protesting dictatorship. Iba na ang laban ngayon, mas malaki ang laban."

"Laban ito sa pagbabalik ng anak ng diktador at masamang pamamahala na sanhi ng problema na pinagdaraan natin," paliwanag ng kasalukuyang bise presidente ng bansa na tatakbong pangulo sa Eleksyon 2022.

Wala man nabanggit na pangalan, ngunit isa sa mga kakandidato at makakalaban umano ni Robredo sa pwesto sa Halalan 2022 ay ang anak ni dating Pangulo Ferdinand E. Marcos na si dating Senator Bongbong Marcos.

Read also

RR Enriquez, ibinida ang natural na kagandahan ni Pau Fajardo na aniya'y ikinamangha niya

"Pink is also the color of protest and activism globally at the moment and this has been chosen by the volunteers because they thought this will symbolize our aspirations to replace this existing leadership," dagdag pa ni Robredo.

Isa rin sa mga naibahagi niya sa naturang press briefing ay kung bakit si Senator Kiko Pangilinan ang napili niyang running mate na tatakbo naman bilang bise presidente ng Pilipinas.

"He is the choice that makes the most sense. I have no doubt that with him as vice president, he will take the Office of the Vice President a notch higher"

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa naturang press conference na naibahagi ng GMA News:

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay misis ng namayapa na na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak.

Oktubre 7 nang inanunsyo na ni Leni ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Read also

Isko Moreno, patuloy ang umano'y patutsada sa politika: "Forward, not backward"

Ilan sa mga makakatunggali niya at naghain na rin ng certificate of candidacy bilang susunod na mamumuno sa Pilipinas ay sina Senator Bato Dela Rosa, Manny Pacquiao at Isko Moreno.

Nito lamang Oktubre 8, maanghang ang naging patutsada umano ni Mayor Isko kay VP Leni patungkol sa pag-iwan nito sa kanyang dating partido. Hindi raw maaring magsalita ng tungkol sa pagkakaisa si VP Leni gayung hindi ito nakiisa sa Liberal Party at naghain ng kanyang kandidatura bilang independent candidate.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica