RR Enriquez, ibinida ang natural na kagandahan ni Pau Fajardo na aniya'y ikinamangha niya

RR Enriquez, ibinida ang natural na kagandahan ni Pau Fajardo na aniya'y ikinamangha niya

- Bilang isa sa mga babaeng nakilalang karelasyon ng PBA player, maraming beses nang naitanong kay RR sa comment section ng kanyang mga post ang tungkol sa paghihiwalay nina Scottie Thompson at Pau Fajardo

- Kahit medyo matagal nang nangyari minabuti ni RR na maghayag ng kanyang opinyon kaugnay sa isyu

- Aniya, dapat ay tigilan na lamang ang pangbabatikos kina Scottie at sa misis nitong si Jinky Serrano dahil dapat ipagpasalamat na lang na nakawala si Pau sa ganoong relasyon

- Ibinida din ni RR ang natural na kagandahan ni Pau na aniya'y nakapagpa-amaze talaga sa kanya nang una niyang makita ng personal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay RR Enriquez, hindi siya sigurado kung may cheating o ahasang nangyari sa relasyon noon nina Scottie Thompson at Pau Fajardo na nakatakda na sanang ikasal matapos ang kanilang engagement.

Read also

LJ Reyes, diretsahang sinabing hindi madali para sa kanyang patawarin si Paolo Contis

RR Enriquez, ibinida ang natural na kagandahan ni Pau Fajardo na aniya'y ikinamangha nya
RR Enriquez (@rr.enriquez)
Source: Instagram

Gayunpaman, inilarawan niya si Pau bilang mahiyain at reserved na tao ngunit mabait umano ito. Ani RR, na-amaze siya sa kagandahan ni Pau.

She’s the type of person na very reserved pero may pagka loka loka din. Mabait. Tahimik. Mukhang suplada coz shy type, but if you’ll get to know her alam mong mabait at may class. Idagdag pa natin yung sobrang ganda ng face nya, the more na titigan mo lalong gumaganda. Partida no make up. Wala ding retoke. Lahat natural. Organic. Mapapa Sana All ka talaga.

Gayunpaman, ayon kay RR, sana ay tanggapin na lamang ng mga tao at tigilan na ang pambabatikos kina Scottie at sa misis nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Going back if nababash ang dalawang ito dahil sa ginawa nila, maybe deserve nila yun? But please tao lang sila. Lubayan nyo na. Basta magpasalamat tayo nakawala si Pau sa relasyon na yan♥️ I thank you

Read also

RR Enriquez, pinayuhan si Lolit Solis matapos ang kontrobersiyal na post nito

Si RR Enriquez ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014.Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Bilang isang dating Kapamilya artist, nagbahagi siya ng kanyang pakikisimpatya sa pagkakabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Kasalukuyan niyang karelasyon ang sikat na basketbolistang si Jayjay Helterbrand ng koponang Barangay Ginebra. Bukod sa mga negosyo ay nakapundar na rin sila ng kanilang bahay.

PAALALA: Ugaliing maging magalang sa pagbabahagi ng opinyon at saloobin. Ang kalayaan sa pagpapahayag ng opinton ay may limitasyon lalo na kung nalalabag na ang karapatang pantao ng kapwa.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel