VP Leni Robredo sa bansag sa kanyang 'LeniLugaw': "Actually aliw ako"
- Sa panayam ni Ogie Diaz kay Bise Presidente Leni Robredo, isa sa mga naitanong niya ay ang reaksyon nito sa bansag sa kanyang 'Leni Lugaw'
- Bilang una nang nasabi ni VP Leni na hindi siya tinatablan ng mga patutsada ng bashers, naaliw pa raw siya sa naibansag sa kanya
- Nagbiro pa ito na sakaling mawalan siya ng trabaho, hindi na siya mahihirapang mag-isip ng maaring maging negosyo
- Kaya naman nang tanungin ni Ogie si VP kung ano ang maari nilang dalhing pagkain, sinabi nitong lugaw na lamang dahil ito raw ang kanyang 'brand'
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
'Aliw' daw si VP Leni Robredo sa brand o bansag umano sa kanya na "Leni Lugaw."
Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, isa ito sa mga naitanong kung ano ang 'napikon' ba siya sa bansag na ito.
"Hindi, actually 'yung 'Leni Lugaw' aliw ako. Para sa akin magandang pakinggan tapos gusto ko naman talaga ng lugawa, paborito ko siya. Sabi ko 'pag nawalan ako ng trabaho hindi na ako kailangang mag-promote ng brand," Paliwanag ng bise presidente na isa na ngayon sa mga tatakbong presidente sa darating na halalan 2022.
Kaya naman nang tanungin din siya ni Ogie kung ano ang maari nilang dalhing merienda, lugaw na rin ang ipinadala ni VP Leni bilang nakilala rin siya rito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng panayam na mapapanood din sa Ogie Diaz YouTube channel:
Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay misis ng namayapa na na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak.
Nito lamang Oktubre 7, inanunsyo na ni Leni ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Ilan sa mga makakatunggali niya at naghain na rin ng certificate of candidacy bilang susunod na mamumuno sa Pilipinas ay sina Senator Bato Dela Rosa, Manny Pacquiao at Isko Moreno.
Nito lamang Oktubre 8, maanghang ang naging patutsada umano ni Mayor Isko kay VP Leni patungkol sa pag-iwan nito sa kanyang dating partido. Hindi raw maaring magsalita ng tungkol sa pagkakaisa si VP Leni gayung hindi ito nakiisa sa Liberal Party at naghain ng kanyang kandidatura bilang independent candidate.
Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh