Mayor Isko Moreno sa #WithdrawIsko: "Karapatan ko rin naman tumakbo diba?"
- Naglabas na ng pahayag si Mayor Isko Moreno kaugnay sa mga naglabasang panawagan sa kanya na bawiin ang pagtakbo sa pagka-pangulo ng Pilipinas
- Kamakaila'y naglabasan ang hashtag na #WithdrawIsko na umano'y suhestyon ng ilan
- Ayon sa alkalde ng Maynila, karapatan naman niya ang pagkandidato sa posisyong nais niya
- Nabanggit din umano niya sa pahayag ang patungkol sa demokrasya na hindi lamang para sa ilan kundi sa mahigit isang daang milyong mga Pilipino
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Naglabas na ng kanyang pahayag si Manila Mayor Isko Moreno patungkol sa mga naglabasan kamakailan na #WithdrawIsko.
Nalaman ng KAMI na ito umano ay ang panawagan ng ilan na bawiin ni Isko ang pagtakbo niya bilang pangulo ng Pilipinas sa Halalan 2022.
Nagbiro pa si Isko na akala niya'y ang pagwi-tihdraw niya sa ATM ang nakita umano ng mga tao ang kanyang pagwi-withdraw ng pera.
"Akala ko pati pagwi-withdraw ko sa ATM nakita nila... Karapatan ko rin namang tumakbo di ba?"
"'Kala ko ba nagra-rally sila ng demokrasya? Bakit yung demokrasya ba, sila lang ang may-ari? Or yung demokrasya pinapraktis ng isang daang mahigit milyong Pilipino?" pahayag ni Isko na sinundan ng maanghang na patutsada na sinasabing para kay Bise Presidente Leni Robredo base sa ulat ng Rappler.
Kamakailan, nagtrending ang #WithdrawIsko at hiling sana ng ilan na tumakbo na lamang ito sa pagka-bise presidente at hindi Presidente sa 2022 Elections.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ayon sa Manila Bulletin, naglipana ang naturang hashtag sa Twitter kung saan naging mainit itong usapin.
Samantala, narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Mayor Isko kaugnay sa #WithdrawIsko na ibinahagi ni Kat Domingo:
Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.
Setyembre 22 nang maganap ang pormal niyang pag-anunsyo ng balak niyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas.
Oktubre 4 naman ng sabay na maghain ng kanilang certificate of candidacy si Mayor Isko gayundin ang kanyang running mate sa pagka-bise Pangulo na si Doc Willie Ong.
Tulad ni Isko, nasabi ni Doc Willie na handa umano siyang mag-take risk sa pagtakbo niya sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ng Pilipinas.
Source: KAMI.com.gh