Isko Moreno at Willie Ong, sabay na maghahain ng kanilang certificate of candidacy

Isko Moreno at Willie Ong, sabay na maghahain ng kanilang certificate of candidacy

- Inanunsyo ni Isko Moreno na sabay silang maghahain ng certificate of candidacy ng kanyang running mate na si Doc Willie Ong

- Oktubre 4 ang itinakda nilang araw upang pormal na maghain ng kanilang kandidatura bilang Presidente at Bise Presidente para sa Halalan 2022

- Sa kanyang post makikita ang mga hashtag na #BilisKilos at #IskoDocWillie2022

- Noong nakaraang linggo, Setyembre 21, inanunsyo ng alkalde ng Maynila ang desisyon niyang pagtakbo bilang susunod na presidente ng Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na sabay silang maghahain ng certificate of candidacy ng kanyang running mate na si Doc Willie Ong.

Nalaman ng KAMI na sa Oktubre 4, Lunes, sabay na magpa-file ang dalawa na tatakbo bilang Pangulo at Bise Presidente para sa darating na Halalan 2022.

Isko Moreno at Willie Ong, sabay na maghahain ng kanilang certificate of candidacy
Isko Moreno at Willie Ong (Photo: Isko Moreno Domagoso)
Source: Facebook

"Ako at ang aking partner na si Doc Willie Ong ay pormal na magsusumite ng aming aplikasyon para maging inyong susunod na Pangulo at Pangalawang Pangulo ng ating bansa," Bahagi ng post ni Isko na may kasamang mga hashtag na #BilisKilos at #IskoDocWillie2022.

Read also

RR Enriquez, ibinida ang natural na kagandahan ni Pau Fajardo na aniya'y ikinamangha niya

Matatandaang Setyembre 21 nang umugong ang kumpirmasyon na tatakbo sa pagka-pangulo ng bansa si Mayor Isko at ang kanyang running mate bilang Vice President ay si Doctor Willie Ong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa panayam ni Korina Sanchez kay Mayor Isko, inihayag nito ang ilan sa mga plano niya sakaling maluklok bilang susunod na pangulo.

Isa sa mga nabanggit ni Isko kung bakit kinumbinsi niyang tumakbo si DOc Willie ay dahil sa tiwala niya rito pagdating sa maaring maibigay nito sa COVID-19 response sa ating bansa.

Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.

Ginanap ang pag-anunsyo ni Mayor Isko ang kanyang pagkandidato bilang pangulo ng Pilipinas sa Baseco compound sa Tondo, Maynila noong Setyembre 22.

Read also

RR Enriquez, pinayuhan si Lolit Solis matapos ang kontrobersiyal na post nito

Sinundan ito ng kumpirmasyon na ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente ay ang kilalang doctor na si Doc Willie Ong.

Tulad ni Isko, nasabi ni Doc Willie na handa umano siyang mag-take risk sa pagtakbo niya sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ng Pilipinas.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica