Doc Willie Ong sa pagtakbo bilang Bise Presidente ng Pilipinas: "Ready ako i-risk all!"
- Sa panayam ni Karen Davila kay Doctor Willie Ong, marami siyang naibahagi tungkol sa kanyang buhay
- Ipinakita niya ang kanilang medical museum kung saan librang nakakapunta noon ang sinoman man lalo na ang mga medical students
- Ipinakita rin niya ang kanayng comic collections na nagsilbing inspirasyon at libangan niya
- Isa rin sa kanyang nabanggit ay ang pagiging handa niya sa anumang maaring mawala sa kanya sa pagtakbo niya bilang bise presidente ng Pilipianas
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Buo ang loob ng kilalang doctor sa bansa na si Doctor Willie Ong sa kanyang pagtakbo bilang bise presidente ng Pilipinas.
Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, naitanong nito kung ano ang nagtulak kay Doc Willie upang makumbinsi bilang running mate ng presidential candidate na Mayor Isko Moreno.
Matatandaang nasabi ni Doc Willie noong 2019 na wala na umano siyang interes na pumasok sa pulitika.
Subalit nabago ang kanyang isip dahil sa mga sumunod na nangyari sa kanyang pamilya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Actually I have no plans. Pero I am always open sa plans ni God kung meron man. Lagi akong open and I'm always ready," paliwanag ng doktor.
Ngunit naikwento niya ang nangyari sa kanyang ina na umano'y na-stroke tatlong buwan na ang nakalipas at sumakabilang buhay kamakailan lamang.
"And during these times, doon nagpupursue sila Isko. 'Yun ang nangyari, talagang if that did not happen, I might not have said yes."
"If she lived for a long, longer time, I would not have said yes," dagdag pa ni Doc Willie.
Isa rin sa naitanong ni Karen ay kung paano na lamang kung sakaling hindi natuwa ang ilan sa mga 16 million follwers ni Doc Willie sa kanyang desisyon sa pagkandidato muli.
"Ready ako mawala ang Facebook at YouTube, Ready ako mawala ang lahat ng pera ko e"
"Power ko, simple lang, mahal ko 'yong tao, hundred percent. 'Di ko lolokohin, 'yun lang"
"Wala akong experience, kulang pero matalino ako. Matututunan ko'yun," matapang na pahayag ni Doc Willie.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel ni Karen Davila:
Si Doc Willie Ong ay isang kilalang doktor at cardiologist. Siya ay tumakbo sa Senado noong nakaraang Halalan 2019. Subalit, hindi siya pinalad.
Nito lamang Setyembre 21, inanunsyo ni Mayor Isko Moreno ang kanyang pagkandidato bilang Pangulo ng Pilipinas.
Kasabay nito ang pagkumpirma niya na si Doc Willie Ong ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente ng bansa.
Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh