Labis na pagtutok ng mukha sa electric fan, maaring maging dahilan ng pagkaparalisa nito
- Binahagi ni Dr. Willie Ong ang panganib na naidudulot ng labis na pagtutok sa electric fan
- Malaki ang posibilidad na magkaroon ng Bell's palsy ang mga taong nakagawian na ang pagtapat ng mukha nila sa 'bentilador'
- Bukod dito, marami pang ibang mga karamdamang na maaring maidulot ang pagtutok sa electric fan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Dahil halos ramdam pa rin ang init kahit papasok na ang tag-ulan, nagbigay babala ang Physician at celebrity doctor na si Willie Ong kaugnay sa labis na pagtutok sa electric fan.
Ayon sa kanyang Facebook post niya nitong Lunes, Hunyo 17, binahagi ni Doc Willie ang mga panganib ng pagtutok mismo ng bentilador sa mukha.
Malaki ang posibilidad na magkaroon ng Bell's palsy ang taong madalas nakatapat sa electric fan.
Ang Bell's palsy ay ang pansamantalang pagka-paralisa ng mukha at kinakailangang dumaan pa sa therapy para maibalik ito sa normal na estado.
Maari ring magkaroon ng sore throat ang taong nakatutok ang electric fan sa pagtulog lalo pa kung ito'y madalas nakanganga.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Ayon naman sa The Asian Parent Philippines, bukod sa Bell's palsy at sore throat, maari ring magkaroon ng allergic reaction na mula naman sa alikabok ng bentilador.
Maari ring maging sanhi ito ng pagkatuyo ng balat, eye irritation at maari ring maging dahilan ng pagkakaroon ng sipon.
Kaya naman payo ni Doc Willie, mainam na ilagay ang electric fan sa lugar kung saan ito makakaikot. Maari ding gumamit ng kulambo nang sa gayon ay di masyadong tutok ang bentilador lalo na sa mga bata.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning.
Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh