Isko Moreno kay Leni Robredo: "Eh you yourself hindi mo nga ma-unify sarili mo"

Isko Moreno kay Leni Robredo: "Eh you yourself hindi mo nga ma-unify sarili mo"

- May maanghang na patutsada umano si Mayor Isko Moreno sa kapwa niya presidential candidate na si Vice President Leni Robredo

- Una na rito ang umano'y pagpapalit ni Robredo ng 'kulay ng rebolusyon' mula sa yellow na ngayon ay pink na

- Nagkomento rin si Isko kaugnay sa rason umano ng pagtakbo ni Robredo na upang hindi hayaang maupo muli ang isang Marcos

- Dagdag pa ng alkalde ng Maynila, hindi raw maaring magsalita si Robredo patungkol sa pagkakaisa gayung kakaiwan lamang daw nito sa dati niyang partido

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maaanghang ang umano'y mga patutsada ni Manila Mayor Isko Moreno sa isa sa mga makakatunggali niya sa pagka-pangulo ng bansa sa Halalaan 2022, si Vice President Leni Robredo.

Nalaman ng KAMI na naglabas ng saloobin si Isko lalo na patungkol sa pagtakbo ni VP Leni at ang pagpapalit umano nito ng 'kulay ng rebolusyon' mula sa dating yellow na ngayon ay pink na.

Read also

Manny Pacquiao, kinumpira ang pamamahagi ng tulong; nilinaw na bahagi ito ng "charity work"

Isko Moreno kay Leni Robredo: "Eh you yourself hindi mo nga ma-unify sarili mo"
Manila Mayor Isko Moreno (Photo: Isko Moreno Domagoso)
Source: Instagram

Matatandaang dating chairperson ng Liberal Party (LP) si VP Leni ngunit independent candidate ito nang mag-file ng certificate of candidacy sa pagka-pangulo ng Pilipinas para sa darating sa 2022 Elections.

Dahil dito, hindi raw maaring magsalita si Robredo patungkol sa hangad na pagkakaisa gayung nagawa nitong iwanan ang dati niyang partido.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"You cannot talk of unity when you yourself hindi mo nga ma-unify sarili mong party"
"You're not even proud of your party, kung kaya mong iwan ang mga kasama mo sa partido, paano pa kaya kaming 110 million na mga Filipinos?"

Matapang din ang naging pahayag ni Mayor Isko sa umano'y sinasabi ng ilan na ang pagtakbo ni VP Leni ay upang hindi mapahintulutan na isang Marcos muli ang mamumuno sa bansa.

"Ang away ng mga pamilyang yan walang dinulot na buti sa ating bayan. Sila ay tumatakbo para maghigantinsa isa’t isa. Sila ay tumatakbo dahil sa kulay ng kanilang pulitika,"

Read also

Guro, bumalik pa rin sa pagtuturo sa kabila ng pinagdaanan sa pagtanggal ng isang mata

"Pagod na ang mga tao sa away ng mga politika nila… Kung sila ay hindi nag-aaway sa loob ng tatlong dekada, malamang wala tayo sa kinalalagyan nating kahirapan."

Narito ang video ng kanyang mga naging pahayag na naibahagi ni Kat Domingo sa kanyang Twitter:

Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.

Ginanap ang pag-anunsyo ni Mayor Isko ang kanyang pagkandidato bilang pangulo ng Pilipinas sa Baseco compound sa Tondo, Maynila noong Setyembre 22.

Sinundan ito ng kumpirmasyon na ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente ay ang kilalang doctor na si Doc Willie Ong.

Tulad ni Isko, nasabi ni Doc Willie na handa umano siyang mag-take risk sa pagtakbo niya sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ng Pilipinas.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica