'Idol in Action' ni Raffy Tulfo, nagpaalam na sa ere: "Lalo pong lalakas ang RTIA"

'Idol in Action' ni Raffy Tulfo, nagpaalam na sa ere: "Lalo pong lalakas ang RTIA"

- Tuluyan nang namalaam sa ere ang morning show ni Raffy Tulfo na 'Idol in Action'

- Sa kanilang Ocotober 1 episode, ipinahayag na ni Tulfo na iyon na ang huling araw ng programa

- Hunyo ng taong 2020 nagsimula ng programa sa TV5 kung saan mas maraming natutulungan si Tulfo sa araw-araw na pamimigay ng biyaya ng 'Idol in Action'

- Sinasabing ang pagkandidato umano sa pagka-senador ni Tulfo ang dahilan sa pagbabawas niya ng mga programa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Namaalam na sa ere ang programa ni Raffy Tulfo sa umaga ang 'Idol in Action. Ngayong Oktubre 1, inihayag ni Tulfo na iyon na ang huling araw nila sa ere.

Nalaman ng KAMI na sa huling episode nito, binalikan nila ang mga mahahalagang naganap sa loob ng mahigit isang taon nila sa telebisyon.

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

Sa pamamagitan kasi ng naturang programa, mas maraming natulungan si Tulfo sa araw-araw niyang pamimigay ng biyaya sa loob ng mahigit isang taon.

'Idol in Action' ni Raffy Tulfo, nagpaalam na sa ere: "Lalo pong lalakas ang RTIA"
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Matatandaang Hunyo 8 ng 2020 nagsimula ang morning show at marami talagang tumututok para manood at magbaka-sakaling matawaan ni Tulfo para mabigyan ng premyo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At bago matapos ang last episode ng Idol in Action, sinabi ni Tulfo na doon lamang siya mawawala gayung mas lalo niyang paglalakasin ang 'Raffy Tulfo in Action.'

"Walang iwanan, 'yan po talaga ang lagi kong sinasabi.Di ko kayo iiwan, pansamantala po hindi niyo ako makikita rito. Pero makikita niyo po ako everywhere"

"I'll do my best para lalo ko pang palakasin pa ang binibigay naming serbisyo publiko para po sa inyong lahat. Promise 'yan, trust me!" ang mga nasabi ni Tulfo bago tuluyang magtapos ang programa.

Read also

Manny Pacquiao, kinumpira ang pamamahagi ng tulong; nilinaw na bahagi ito ng "charity work"

Ayon sa PEP, sinasabing ang rason ng pagbabawas ni Tulfo ay ang pagtakbo umano nito bilang senador sa darating na Halalan 2022.

Narito ang kabuuan ng huling episode ng 'Idol in Action' mula sa One PH:

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga kilalang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.7 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica