Viral wedding coordinator, nakakulong na: Pulisya, idinetalye kung paano siya nadakip

Viral wedding coordinator, nakakulong na: Pulisya, idinetalye kung paano siya nadakip

- Nakakulong na ang viral na wedding coordinator na nang-scam ng bagong kasal

- Agad na naaksyunan ng pulisya ang kaso matapos dumulog ng bagong kasal sa programa ni Raffy Tulfo

- Idinetalye ng pulisya kung paano nila nadakip ang wedding coordinator mula sa ospital matapos nitong tangkaing saktan ang sarili

- Napag-alaman din na hindi ito ang unang beses na nanloko umano ang wedding coordinator sa kanyang naging kliyente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hawak na ng pulisya at kasalukuyang nang nakakulong ang wedding coordinator na si Naser Fuentes matapos ang panloloko umano nito sa mga naging kliyente niyang bagong kasal na sina Cherry Pie Satingasin at mister nito.

Nalaman ng KAMI na nakapanayam ni Raffy Tulfo si deputy city director for operation ng Mandaue City Cebu na si P/Lt. Col. Eloveo Marquez tungkol sa kaso ni Fuentes.

Read also

Basel Manadil, binigyan ng trabaho ang magkapatid na nais ipagamot ang ina

Viral wedding coordinator, nakakulong na: Pulisya, idinetalye kung paano siya nadakip
Raffy Tulfo (Photo credit: @raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Sa programang 'Wanted sa Radyo' idinetalye ng pulisya kung paano nila nasakote si Fuentes na noo'y nagtangkang kitilin ang sariling buhay.

Nadala pa sa ospital si Fuentes kung saan siya nadakip ng pulisya. Lumalabas na dati na itong may warrant, taong 2017 pa kaya naman mas lalong nagkaroon ng rason umano para agarang dakpin si Fuentes.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tulad ng haharapin niyang kaso dahil sa panloloko sa mag-asawang Satingasin, dati nang may estafa case si Fuentes.

"So estafadora pala talaga ito," nasambit ni Tulfo matapos na ipaliwanag ng pulis na bukod noong 2017 ay mayroon din itong isa pang estafa case noong 2018.

Kasalukuyan ding itataas sa korte ang kaso ni Fuentes na pauli-ulit na nakapanloko sa mga naging kliyente niya.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel na Raffy Tulfo in Action:

Read also

Ivana Alawi, handang ubusin ang pera gumaling lang ang kapatid na si Mona Alawi

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikan at respetadong broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 22.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay ng agarang aksyon sa mga sumbong sa kanya ng mga kababayan nating naapi, kilala rin si 'Idol Raffy' kung siya ay tawagin ng marami sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica