Lolo at Lola na wala nang ikinabubuhay, nabigyan ng pag-asa ni Raffy Tulfo
- Nabigyan ng pag-asa ni Raffy Tulfo ang mag-asawang halos isang taon nang walang tubig at kuryente
- Nawalan na lalo sila ng pinagkakakitaan dala ng pandemya at hirap na rin sa paghahanapbuhay
- Tanging ang minsanang paglalako ng kangkong ang pinagkakakitaan ng lola habang ang kanyang mister naman ay 16 na taon nang bulag
- Sa tulong ng kanilang mga kapitbahay na sila'y pinagmamalasakitan, nairaraos nila ang isang araw subalit minsan ay wala talaga silang mapagkaunan
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Naiyak sa pasasalamat si Lola Rosa Vallo nang matugunan na ni Raffy Tulfo at anak nitong si Ralph ang kanilang paghingi ng tulong.
Nalaman ng KAMI na ang apo nina Lola Rosa at mister nitong si Lolo Bonifacio ang nagpadala ng mensahe sa Wanted sa Radyo upang ipakita ang kalagayan ng mag-asawa.
Mag-iisang taon na silang walang tubig at kuryente dahil wala na silang maipambayad gayung wala na rin silang ikinabubuhay.
Ang mga anak nina Lola Rosa at Lolo Bonifacio ay wala raw hanapbuhay at nasa iba't ibang lugar kaya naman nauunawaan din ng mag-asawa kung bakit hindi na makapagpadala ang mga ito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Lola Rosa na lamang din ang nag-iintindi ng kanilang pang-araw araw gayung 16 na taon nang bulag si Lolo Bonifacio.
Laking pasalamat na lamang nila sa mga bigay ng nagmamalasakit nilang kapitbahay ngunit misnsan din ay talagang wala silang mapagkunan.
Kaya naman nang malaman ni Tulfo ang kalagayan ng mga ito, agad itong nagpadala ng Php50,000 at karagdagan pa muling Php50,000 mula sa anak niyang si Ralph Tulfo.
Dahil sa halagang ito, naipatingin ang mag-asawa. Nakapamili rin ng kanilang pagkain at iba pang pangangailangan sa bahay tulad ng maayos na higaan at electric fan para mas komportable ang kanilang pagpapahinga.
Ibinili rin sila ng hiling nilang kambing para maibenta at pagkakitaan.
Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ng Raffy Tulfo in Action:
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga kilalang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.7 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Source: KAMI.com.gh