Jake Cuenca, idinetalye ang kaganapan sa kontrobersyal na Mandaluyong car-chase

Jake Cuenca, idinetalye ang kaganapan sa kontrobersyal na Mandaluyong car-chase

- Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na si Jake Cuenca sa mga kaganapan sa kinasangkutang gulo noong Linggo, Oktubre 10

- Nilinaw niya ang ilang mga naglabasang balita kung saan nakulong umano siya na wala namang katotohanan

- Inamin ni Jake na naguguluhan umano sila kung paano nangyari ang sinasabing pagkabangga gayung walang marka sa kanyang sasakyan

- Aminado rin siyang na-trauma siya sa nangyari lalo na at may ilang tama ng bala na malapit na umano sa gasolina ng kanyang sasakyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsalita na ang aktor na si Jake Cuenca kaugnay sa kaguluhang kinasangkutan nito lamang Linggo, Oktubre 10.

Nalaman ng KAMI nilinaw ni Jake ang mga kaganapan lalo na at ilan sa mga napabalita umano ay wala raw katotohanan.

Jake Cuenca, idinetalye ang kaganapan sa pagbangga umano sa sasakyan ng pulis
Jake Cuenca (@juancarloscuenca)
Source: Instagram

Una na rito ang kanyang pagkakakulong na hindi naman nangyari. Dalawang beses na hinalughog ang kanyang sasakyan subalit bigo ang mga awtoridad at walang nakitang bagay na iligal o ipinagbabawal.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Isa rin sa pinagtakhan ni Jake ay ang sinasabing nabangga niya ang sasakyan ng pulis gayung walang bahid ng anumang marka ang kanyang sasakyan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Naguguluhan din kami saan nangyari 'yung bangga... From my car, there's no paints from anywhere, there's no damage to, there's no damage in my car aside from the damage caused by the gunshots."

Matinding takot ang dinanas ni Jake at nakalma lamang ang sarili nang makita ang mga naka-unipormeng pulis. Subalit, laking gulat niya na imbis na ang mga bumabaril ang hulihin, siya pa rin ang sinita ng mga ito.

"I followed due process... 'Di ako nanlaban, hindi ko sila pinahirapan."

Isa rin sa nilinaw ni Jake ay ang balitang nakulong pa siya na wala umanong katotohanan.

Subalit nagawa ring halughugin ng mga awotoridad ang kanyang sasakyan ng dalawang beses. Nabigo lamang ang mga ito gayung walang nakitang anumang iligal o ipinagbabawal sa sasakyan ng aktor.

Read also

Anak, pinalitan ang kotse na naibenta noon ng ama para sa kanyang pag-aaral

Sinabi rin niyang tutulong siya sa sinapit ng delivery rider na nadaplisan ng bala nang siya'y hinahabol umano ng mga sibilyang pulis.

Samantala, mababakas kay Jake ang trauma na naidulot ng pangyayari lalo pa at may balang tumama na malapit na raw sa gasolina ng kanyang sasakyan.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Jake sa naging panayam sa kanya ni MJ Felipe ng ABS-News:

Si Jake Cuenca ay isang actor, model, at endorser sa Pilipinas. Siya ang boyfriend ng beauty queen at aktres na si Kylie Verzosa.

Kamakailan, gumawa ng ingay sa social media ang pangalan ni Jake sa umano'y pagbangga nito sa sasakyan ng pulis habang hinahabol siya ng mga nakasibilyang awtoridad.

Isa sa mga agad na dumepensa sa kanya ay ang matalik na kaibigan na si Paulo Avelino na siyang pupuntahan sana niya noong gabi na naganap ang insidente.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica