Anim na beses na 'di pinalad sa licensure exam, isa na ngayong registered nurse

Anim na beses na 'di pinalad sa licensure exam, isa na ngayong registered nurse

- Sa ikapitong pagkakataon, pinalad ang isang nursing graduate na makapasa na sa licensure exam

- Halos hindi pa makapaniwala ang ngayo'y registered nurse na dahil nakamit na niya ang minimithing tagumpay

- Aminado siyang makailang beses na pinanghinaan ng loob subalit kailanma'y hindi niya sinukuan ang pangarap

- Sa tulong ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang mister na nag-udyok sa kanyang ipagpatuloy ang pag-aaral, isa na ngayon siyang ganap na nurse

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Walang pagsidlan ng kaligayan si Ma. Ernida Peralta, dahil makalipas ang anim na beses niyang pagbagsak, nakapasa na siya sa ikapitong beses na pagsubok sa licensure examination ng mga nurse.

Nalaman ng KAMI na nito lamang Hulyo nang makapasa na si Ernida na talagang napasigaw at napaiyak sa sobrang saya at halos hindi makapaniwala nang makita na niya ang kanyang pangalan sa listahan ng mga pinalad na makapasa.

Read also

Mura Padua, dinagsa ng kanyang mga fans sa kanilang bahay

Ginang na anim na beses na 'di pinalad sa licensure exam, isa na ngayong registered nurse
Photo: Ma. Ernida Peralta
Source: Facebook

Sa panayam ng GMA News kay Nurse Ernida, sinabi nitong inspirasyon niya sa kanyang nakamit na tagumpay ang kanyang pamilya.

Lalo na ng kanyang mister na siyang nag-udyok sa kanyang mag-aral na muli. Tumigil kasi siya noon sa pag-aaral dala ng hirapng buhay hanggang sa siya ay magka-pamilya na.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

2013 pa nang nakapagtapos sa kolehiyo si Ernida. Mula nood ay makailang beses siyang nag-take ng exam subalit hindi pinapalad.

Hindi niya ito sinukuan kaya naman ngayong taon, natupad na ang kanyang ipinagdarasal.

"It pays po lahat ng sacrifices kasi ang tagal ko siyang inantay," naiiyak na nasabi ni Ernida.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ng GMA News:

Kahanga-hanga ang mga mag-aaral na hindi nagnanais na maging pabigat sa mga magulang na nakakaisip na dumiskarte sa pag-aaral lalo na ngayong mas mahirap ang buhay dahil sa pandemya.

Read also

Anak, pinalitan ang kotse na naibenta noon ng ama para sa kanyang pag-aaral

Matatandaang minsan na ring naiulat ng KAMI ang tungkol sa isang lalaki na nakatapos ng kolehiyo dahil sa pagiging jeepney driver. Napagtiyagaan niya ang mamasada at pumasok pa rin sa paaralan hanggang siya ay makatapos.

Napakalaking bagay umano ng desisyong ito para sa kanya lalo na at hindi biro ang pamamasada ngunit napagtagumpayan niya ito.

Hindi rin nalalayo rito ang kwento ng isang delivery rider na kamakailan ay nakapagtapos din sa kolehiyo habang siya ay rumaraket ng pagde-deliver.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica