Aray ko po! Viral ang isang babaeng 'marupok' pero bumigay din pala matapos muling suyuin ni boyfie

Aray ko po! Viral ang isang babaeng 'marupok' pero bumigay din pala matapos muling suyuin ni boyfie

- Kumalat ngayon sa social media ang Raffy Tulfo in Action episode tungkol sa isang babae na noong una ay galit na galit sa kanyang kasintahan

- Ayon sa video, ilang beses na raw ang naging hiwalayan nila at umabot pa ito sa presinto na kalauna'y naiba ang ihip ng hangin nang biglang magpatawad agad si ate nang suyuin siya ng kasintahan

- Naging viral naman ang nasabing video na ni-repost ni Cio Ravago at ngayon ay may mahigit 4M views na sa Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging viral sa social media ngayon ang isang episode ng Raffy Tulfo in Action ng News5 matapos nitong i-feature ang magkasintahang marami na raw beses naghiwalay dahil sa panloloko ng lalaki na umabot pa sa barangay ang reklamo.

Nalaman ng KAMI ang tungkol sa viral video dahil sa isang netizen na si Cio Ravago, na nagpost nito sa Facebook kamakailan lang.

Sa kalagitnaan ng video ay makikita ang sobrang paninibugho ng babae sa kanyang ex-boyfriend habang kanilang inaayos ang gusot sa barangay.

Pinaghahamapas ng ng babae ang lalaking ititnuturong nanloko sa kanya habang sinasabi na sa dinami raw ng hiwalayan nila ay bakit pa raw siya binabalikan.

Naging kwela naman ang video dahil sa di inaasahang ending nito, na akala ng marami ay papangatawanan ng babae na ayaw na niya sa lalaki nang biglang magpatawaran sila at mistulan pang kinikilig ang babae dahil sa panunuyo ng lalaki sa kanya.

Ang video na may caption na: "Gano ka karupok? " ay mapapanood sa ibaba:

Narito naman ang mga nakatatawang reaksyon ng netizens:

"GANON LNG YON?"

"HAHAHAHAHA YUNG NGITI NI ATI BUSET HAHAHAHAHAHA"

"ang rupok pre hahahaha. laughtrip"

"Mas marupok pa sa hagdan namin e hahahaha"

"LIBRA SILA BOTH HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA"

In this episode of the Philippines Social Experiment, Javen will harass his female friend in different public places. How will people react to a woman suffering harassment in front of them? Will someone try to stop Javen? – on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa

Lotlot de Leon, di napigilang maiyak habang sinasabi ang kanyang wedding vow sa asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel