Toni Fowler, naglabas ng saloobin matapos umani ng mga reaksiyon ang bagong vlog

Toni Fowler, naglabas ng saloobin matapos umani ng mga reaksiyon ang bagong vlog

- Matapos niyang ibahagi ang kanyang vlog kung saan muli silang nagkita ni Rob Moya, umani ng samu't-saring ang vlogger

- Minabuti ni Toni na ilabas ang kanyang saloobin sa naging reaksiyon ng mga netizens sa kanyang naging desisyon

- Nilinaw niya ang kanyang dahilan kung bakit niya pinakita sa vlog ang tagpong iyon matapos ang matinding bangayan nila ni Rob sa social media

- Gayunpaman, sinabi ng dalawa na aayusin at pag-uusapan nila ang ilan pang mga bagay-bagay nang walang camera na nakatutok sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi lahat ay natuwa na makitang muling nagkita at nagkasundo sina Toni Fowler at Rob Moya. Umani ng samu't-saring reaksiyon ang pinakabagong vlog ni Toni.

Kaya naman minabuti niyang sagutin ito at ipaliwanag ang kanyang panig.

Toni Fowler, naglabas ng saloobin matapos umani ng mga reaksiyon ang bagong vlog
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Ani Toni, kaya niya pinakita sa vlog ang kanilang muling pagkikita dahil naisip niyang tatanungin din siya ng mga netizens kung anong nangyari.

Read also

Jennica Garcia, 'di pinalampas ang "Marites" na nang-intriga sa post niya sa IG

Nilinaw niyang para lamang sa kanilang aso kaya siya muling nakipag-usap kay Rob at kahit papaano ay nagkaliwanagan at nagkapatawaran sila matapos ang masalimuot na paghihiwalay nila na umabot pa sa pagrereklamo ni Toni sa Raffy Tulfo in Action.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sumikat nang husto si Toni Fowler matapos masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina Jelai Andres at Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Gayunpaman, nilinaw ni Vince na hindi siya mapapagod at susuko na maghintay kung kailan magiging handa si Toni na pumasok sa isang relasyon matapos silang magkahiwalay ni Rob.

Read also

Tito Vince Flores, ibinahagi ang video ng muling pagkikita nina Toni at Rob

Nabanggit din kamakailan ni Toni ang tungkol sa pagkakapatawaran nila ng tunay na ama ni Tyronia na tinatawag nilang Tatay Elon.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Tags:
Online view pixel