Toni Fowler at bagong karelasyon ni Rob Moya, nagkita sa unang pagkakataon

Toni Fowler at bagong karelasyon ni Rob Moya, nagkita sa unang pagkakataon

- Sa unang pagkikita nila Toni Fowler at bagong nililigawan ni Rob Moya na girlfriend niya na, tila malapit na sila sa isa't-isa

- Ayon kay Toni, masaya siya para kay Rob at Jen at nakakausap niya na umano si Jen bago pa ang kanilang pagkikita

- Maging si Tyronia ay pinakita ang kanyang suporta sa kanyang itinuring na ama at sa bago nitong karelasyon

- Naganap ang pagtanong ni Rob Moya kung papayag si Jen na maging girlfriend niya sa mismong condo ng Toro Fam

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Wala nang bangayan sa kampo nina Toni Fowler at Rob Moya sa bagong relasyon ng aktor. Sa katunayan ay suportado ni Toni ang panliligaw nito at naging bahagi pa siya ng sorpresa ni Rob para sa kasintahan na nitong si Jen.

Toni Fowler at bagong karelasyon ni Rob Moya, nagkita sa unang pagkakataon
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Sa kanilang unang pagkikita ay tila nagkagaanan na ng loob ang dalawa. Ayon kay Toni, masaya siya at hindi intrimitida ang bagong babaeng nagpapasaya kay Rob.

Read also

Vince Flores, pinakita ang resulta ng kanyang pagpapaayos ng ilong

Pinasalamatan din ni Toni si Jen sa pagpapasaya nito kay Rob matapos ang masalimuot na pagbabangayan nila matapos silang maghiwalay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa reaksiyon ng mga netizens na nakapanood ng video ni Rob.

Halatang totoo ung pinapakita ng bawat isa at higit sa lahat makikita mung walang ka plastikan ung mga yakapan at ngiti nila sa bawat isa.. kc TOTOO LAHAT ng pinapakita nila sa isat isa, ang saya lang tignan at nakaka iyak kc finally naging okay na lahat, Happy ako para sainyo Rob & Jen Congrats!
I hope Daddy Rob, help mo din po si Tito Vince if someday mag ask na po siya kay Mameh!! Super Happy for you po Daddy and Ate Jen!! Stay Strongg
Owshiieee!!!! Finally In a Relationship na sila kuya Rob at ate jen Congrats po yung gusto ko sumigaw sa kilig kaso mga tulog na mga kasama ko kaya pigil nalang . . . Nakaka proud si Mommy Oni

Read also

Rob Moya, nakaharap na sina Tatay Elon at Tito Vince sa ToRo Condo

Sumikat si Toni Fowler sa social media at sa YouTube matapos masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina Jelai Andres at Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Gayunpaman, nilinaw ni Vince na hindi siya mapapagod at susuko na maghintay kung kailan magiging handa si Toni na pumasok sa isang relasyon matapos silang magkahiwalay ni Rob.

Nabanggit din kamakailan ni Toni ang tungkol sa pagkakapatawaran nila ng tunay na ama ni Tyronia na tinatawag nilang Tatay Elon.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel