Mura, patuloy na nagsisikap kahit naapektuhan ang paglalakad dahil sa aksidente
- Sa isang video na ibinahagi ng isang YouTube content creator, ibinahagi ni Allan Padua o mas kilala sa pangalang Mura ang kanyang buhay sa kasalukuyan
- Hindi siya makapaglakad ng maayos matapos maapektuhan ang kanyang balakang nang masangkot siya sa isang aksidente
- Sa kabila ng kanyang kalagayan, patuloy na nagsumikap si Mahal upang mabigay ang pangangailangan ng kanyang ama na matanda na rin
- Siya mismo ang nag-aasikaso ng mga pananim niya sa kanyang lupa na nabili niya noong aktibo pa siya sa showbiz
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa isang video na ibinahagi ng YouTube channel na Virgelyncares 2.0, naibahagi ni Mura kung paano siya nabubuhay sa kasalukuyan.
Kapansin-pansin na hirap si Mura sa paglalakad dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya. Gayunpaman, siya mismo ang gumagawa ng mga gawain para makaani sila mula sa kanilang mga pananim.
Kwento ni Mura, nakatakda sana siyang makasama ng yumaong batikang aktor na si Eddie Garcia ngunit dahil sa kanyang kalagayan ay tinanggihan niya umano dahil hindi niya kakayaning tumakbo.
Aniya kung mabibigyan siyang muli ng pagkakataon ay gagawin niya ang kanyang makakaya upang makabalik muli sa pag-aartista.
Naging emosyonal naman si Mura nang iabot sa kanya ang halagang P10,000. Abot-abot ang pasasalamat ni Mura sa vlogger na si Virgelyn at sa mga OFW na nagbigay ng kanilang mga donasyon.
Panuorin ang kabuuan ng video dito:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Allan "Mura" Padua ay mula sa Guinobatan, Albay. Una siyang nakilala nang sumali siya sa isang contest sa Masayang Tanghali Bayan. Una siyang pinakilala bilang kakambal ni Mahal Tesorero.
Nang humina ang kasikatan ng tambalang Mahal at Mura, isinapubliko ang tungkol sa tunay na kasarian ni Mura. Naging bahagi siya kinalaunan ng ilang Kapuso shows kagaya ng Majika, Captain Barbell, Super Twins, at Magic Kamison
Sa kasalukuyan, si Mahal ay pumasok na rin sa mundo ng vlogging kasama ang kanyang kaibigang si Mygz Molino. Minabuti ni Mygz kamakailan na linawin ang paratang na ginagamit lang umano niya si Mahal.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh