Prime Minister ng Canada, naka-quarantine dahil sa misis na positibo sa COVID-19

Prime Minister ng Canada, naka-quarantine dahil sa misis na positibo sa COVID-19

- Tinamaan din ng COVID-19 ang misis ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na si Sophie Grégoire Trudeau

- Nagsimula lamang daw ito sa isang 'mild-flu symptoms' ngunit agad na nagpositibo sa virus

- Dahil dito kinailangang i-isolate ng Prime Minister ang sarili sa loob ng 14 na araw bilang precautionary measure

- Kasalukuyang maayos ang kalagayan ng Canadian Prime Minister at umaasa silang di ito dadapuan ng kinatatakutang virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maging ang misis ng Canadian Prime Minister na si Sophie Grégoire Trudeau ay hindi nakaligtas sa coronavirus diseases 2019 o COVID-19.

Ayon sa ulat nina Faith Karimi and Patrick Cornell ng CNN, nagsimula lamang daw ito sa simpleng sintomas ng tulad sa flu.

Ngunit nang isagawa sa kanya ang test, agad na lumabas na positibo ito sa virus.

Dahil dito, kinakailangang ilagay sa 14 na araw na isolation period ang mismong Prime Minister na si Justin Trudeau bilang bahagi ng precautionary measures na isinasagawa sa mga nakasalamuha ng pasyenteng may COVID-19.

Sa ulat ng Bloomberg.com, maayos naman ang kalagayan ng pinuno ng Canada sa ngayon at maglalabas daw ito ng pahayag ukol sa kanilang sitwasyon bukas, Marso 14.

Nasabi rin na galing pa lang London si Sophie kung saan isa siya sa mga speakers ng 'WE UK Day' conference.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Habang ang kanyang mister ay isang linggo namang nasa Ottawa para sa ilang pagpupulong na ginanap kasama ang mga cabinet ministers at ilan sa kanilang mga mambabatas.

Payo naman ng doktor, di raw dapat agad na mangamba ang mga nakasalamuha ng Prime Minister lalo pa at hindi namn ito kinakikitaan ng anumang sintomas ng COVID-19.

Dagdag pa ng Daily Hive, maglalabas ang Canadian Prime Minister ng pahayag ukol sa kalagayan nila bukas, Marso 14.

Sa ngayon, nasa 147 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Canada at isa lamang ang pumanaw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok is taking over the world. If you haven't joined this beautiful platform yet, but want to take a look at its hilarious videos, this video is for you!

The Funniest TikTok Videos: Andre Reacts | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel