Ate Amira nina Ivana, nakasama nila sa hair makeover bonding ng pamilya Alawi

Ate Amira nina Ivana, nakasama nila sa hair makeover bonding ng pamilya Alawi

- Nakasama nina Ivana, Hash, Mona ang panganay nilang kapatid na si Amira

- Sabay-sabay na nagpa-hair makeover ang buong pamilya kaya at itinuloy ang bonding sa kanilang tahanan

- May pagka-mahiyain daw talaga ang ate ni Ivana kaya naman masaya na siya nang pagbigyan nito na sumama sa kanyang vlog

- Nagbigay din ang kanilang Ate Amira ng mensahe sa mga tulad niyang single mother at masaya naman daw siya dahil sa suportang natatanggap mula sa kanyang Alawi family

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita sa vlog ni Ivana Alawi ang kanyang ate na si Amira Alawi.

Nalaman ng KAMI na nakasama nina Ivana, Hash at Mona ang kanilang panganay na kapatid na si Amira gayundin ang kanilang Mama Alawi sa kanilang family hair makeover.

Doon ipinakita ni Ivana na hair inspiration pala niya sa kanyang new hairstyle ay ang buhok ni Lisa ng Blackpink.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Ate Amira ni Ivana, nakasama nila sa hair makeover bonding ng pamilya Alawi
Ivana Alawi (Photo from Ivana Alawi YouTube channel)
Source: Instagram

Bagaman at mapapansin na may pagkamahiyain talaga ang kanilang Ate Amira, game na game pa rin itong nag-smile sa camera at nakipagchikahan kay Ivana.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami raw kasing subscribers si Ivana na nagtatanong kung nasaan ang kanilang ate kaya naman napagbigyan niya ang mga ito sa bagong vlog.

Matapos kasi ang hair makeover, itinuloy nila ang bonding sa kanilang tahanan kung saan naikwento ni Ivana na isa pa lang single mother ang kanyang ate.

Nagbigay pa ito ng mensahe para sa mga tulad niyang single mom na maging mabuting ehemplo pa rin sa kanilang mga anak. Masaya rin daw si Amira dahil sa suportang ipinararamdam sa kanya ng kanyang Alawi family.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Ivana:

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 14 million ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Lisa ng Blackpink, inspirasyon ni Ivana Alawi sa pagkakaroon niya ngayon ng short hair

Sa isang interview sa kanya ni Ogie Diaz, muli na namang napatunayan ni Ivana ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya.

Aniya, handa umano siyang ubusin ang lahat ng kanyang pera masiguro lamang ang paggaling ng kanyang bunsong kapatid na si Mona Alawi na pinahihirapan umano ng sakit nitong type one diabetes.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel