Pinoy Teacher at data analyst sa Korea, naging bahagi ng Netflix hit na 'Squid Game'

Pinoy Teacher at data analyst sa Korea, naging bahagi ng Netflix hit na 'Squid Game'

- Ikinuwento ni Christian Lagahit ang naging karanasan niya sa pagiging bahagi ng cast ng sikat na Netflix series ngayon ang 'Squid Game'

- Mapalad na gumanap bilang player 276 si Christian ng Survival Series na usap-usapan ngayon

- Hindi ito ang unang pagkakataon na napasama siya sa mga Korean movies at series at sa isang proyekto pa niya, nakasama niya ang Korean Star na si Hyun Bin

- Aksidente lang daw ang kanyang pagkakapasok sa mga pelikula dahil sa kaibigan niyang nag-imbita sa kanya na manood ng shooting

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa na namang Pinoy ang namamayagpag ngayon sa South Korea sa larangan ng pelikula. Siya ay si Christian Lagahit na usap-usapan ngayon sa pagiging cast ng Netflix hit na 'Squid Game.'

Nalaman ng KAMI na ang teacher at data analyst sa Korea na si Christian ang player 276 ng hit series na talagang tinangkilik ng mga Pilipino.

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

Kwento ni Christian, mababait ang mga nakasama niya sa set. Ibinahagi pa niya sa kanyang Instagram na nakapagpa-picture pa siya sa mga lead actors ng Korean survival series.

Pinoy Teacher at data analyst sa Korea, naging bahagi ng Netflix hit na 'Squid Game'
Christian Lagahit (@chrisyan8)
Source: Instagram

"Pag nararamdaman nilang awkward ako o hesitant ako, to talk with them, sila na mismo 'yung lalapit para i-comfort ka nila."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakasama sa mga Korean movies o series si Christian. Katunayan isa sa mga naging proyekto niya ang 'The Execution' kung saan nakasama pa niya ang Korean Star na si Hyun Bin.

Sa panayam sa kanya ng GMA News, ikinuwento niyang aksidente lang ang pagkakapasok niya sa mga Korean shows.

Inimbita lang siya ng isang kaibigan sa shooting. Napagalitan pa siya ng direktor sa pag-aakalang artista siya ngunit nakatambay lamang siya sa set.

Read also

Lisa ng Blackpink, inspirasyon ni Ivana Alawi sa pagkakaroon niya ngayon ng short hair

Maya-maya pa'y inalok na siya na maging bahagi ng proyekto. Doon na nagsimula ang kanyang acting career.

Nakatutuwang isipin na kahit nasa ibang bansa, nakakamit pa rin ng ilang mga kababayan natin ang tagumpay sa iba't ibang larangan.

Pumatok at nakilala sa New York, USA ang street food business ng kababayan nating si Robin John Calalo na lakas-loob na nagbukas ng kanyang 'ihaw-ihaw' stall.

Maging ang ibang mga nasyunalidad ay tinangkilik ang kanyang paninda kaya naman ang halagang Php200,000 ay kita lamang niya sa isang linggo.

Kahit ano pa mang hanapbuhay, mapapatunayan natin ang husay at abilidad ng mga Pilipino saan mang panig ng daigdig.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica