Ogie Diaz, sa Christmas greeting ni Dennis Padilla sa mga anak: "Sinagot ka ba?"

Ogie Diaz, sa Christmas greeting ni Dennis Padilla sa mga anak: "Sinagot ka ba?"

- Naibahagi ni Ogie Diaz ang naging usapan nila umano ni Dennis Padilla sa Christmas greeting nito sa mga anak kay Marjorie Barretto

- Matatandaang sa kanyang Instagram post, makikitang binati ni Dennis noong Pasko ang tatlong anak kay Marjorie maging si Dani

- Sa convo nina Ogie at Dennis, nabanggit nitong wala siyang natanggap na reply o pagbati maski sa isa sa kanyang mga anak

- Payo ni Ogie na sana'y batiin na nina Julia, Claui, Leon at Dani ang kanilang ama habang kaya pa silang pakinggan nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ipinakita ni Ogie Diaz ang kanilang naging conversation ni Dennis Padilla matapos ang Pasko.

Ogie Diaz, sa Christmas greeting ni Dennis Padilla sa mga anak: "Sinagot ka ba?"
Dennis Padilla (@dennisastig)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na patungkol ito sa post ni Dennis sa kanyang Instagram na pagbati sa kanyang mga anak na sina Julia, Claui, Dani at Leon.

Read also

Ogie Diaz sa photos nina Charlie Dizon at Carlo Aquino: "Ako feeling ko, sila na"

Subalit mismong si Ogie na ang nag-usisa kay Dennis kung sinagot naman siya ng kanyang mga anak.

"Ako mismo nagtanong kay Dennis, sinagot ka ba ng mga anak mo? Kasi nung unang usap namin ni Dennis E di siya binati ng kanyang mga anak noong pasko. Sabi ko hintayin natin baka bumati nung New Year."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Doon ipinakita ni Ogie ang naging conversation nila ni Dennis.

"Ako nga rin nagtataka e. Feeling ko, napakalalim yata ng sugat na iniwan ni Dennis Padilla sa mga anak niya para ganun na lang at hindi siya batiin"

Gayunpaman, hangad ni Ogie na sana'y magkaayos pa rin ang mag-aama kahit walang ideya ang publiko kung ano ang pinag-ugatan ng tila hidwaan na ito.

"Siguro naman, pwede nalang maghilom 'yung sugat alang-alang sa Kapaskuhan. Alang-alang sa tatay naman nila 'yun."

Read also

McCoy de Leon, pinabulaanan ang tungkol sa umano'y kumakalat na convo

"Hindi maaalis na pagbalik-baliktarin man ang mundo, tatay pa rin nila 'yun."

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Ogie mula sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Sa naturang episode ng Showbiz Update ni Ogie, ipinakita rin niya ang mga burado na ngayong post ni Dennis Padilla na reaksyon umano nito sa naging pahayag ni Julia Barretto sa interview sa kanya ni Karen Davila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel