Ogie D, binalikan ang nasabi ni Marjorie ukol kay Dennis; "Alam ng nasa itaas ang totoo"

Ogie D, binalikan ang nasabi ni Marjorie ukol kay Dennis; "Alam ng nasa itaas ang totoo"

- Nabanggit ni Ogie Diaz ang minsang nasabi sa kanya ni Marjorie Barretto ukol sa matagal nang isyu nila ni Dennis Padilla

- Sa kainitan ngayon ng kontrobersiya ng paglalabas ng saloobin ni Dennis partikular na sa naging interview kay Julia, muling natanong ang tungkol sa komento naman ni Marjorie

- Bagaman at burado na ang mga post ni Dennis tungkol sa naging reaksyon niya sa panayam kay Julia, marami pa rin ang nakakita nito

- Matatandaang minsan nang namagitan at nagsalita na ang lalaking anak ni Marjorie na animo'y pagtatanggol sa ina at mga kapatid

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalala ni Ogie Dias ang minsang napag-usapan nila ni Marjorie Barretto patungkol kay Dennis Padilla na ama nina Julia, Claudia at Leon.

Ogie D, binalikan ang nasabi ni Marjorie ukol kay Dennis; "Alam ng nasa itaas ang totoo"
Sina Julia, Claudia at Marjorie Barretto (@marjbarretto)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na noon pa ma'y tikom na ang bibig ni Marjorie patungkol sa mga post ni Dennis na tila ikinapapahamak umano ng kanyang mga anak na umano'y nahuhusgahan ng publiko dahil dito.

Read also

Dennis Padilla, inihayag ang pagmamahal niya sa anak na si Gavin

"Syempre nahu-hurt si Marjorie. dahil sabi niya, Ayoko na Og, basta alam yan ng mga anak ko. Alam ni Dennis 'yan. alam 'yan ng nasa itaas kung ano ang totoo. Kaya nga nananahimik ako para sa mga anak ko," pahayag ni Ogie na sinabi umano sa kanya ni Marjorie.

"Ang sabi ni Marjorie, kung mahal talaga ni Dennis ang kanilang mga anak, hindi siya magbibitaw ng mga salita na maaring ang publiko ay husgahan ang kanyang mga anak," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang madalas na umano'y mahusgahan nga ang mga anak nina Dennis at Marjorie na hindi nagkokomento sa mga nagiging post niya.

Minsan na ring namagitan ang lalaki nitong anak na si Leon na ipinagtanggol ang ina at mga kapatid sa isyu ng hindi mawaring hidwaan ng kanilang pamilya.

Read also

Mga post ni Dennis Padilla ukol sa naging interview sa anak na si Julia, burado na

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Sa naturang episode ng Showbiz Update ni Ogie, ipinakita rin niya ang mga burado na ngayong post ni Dennis Padilla na reaksyon umano nito sa naging pahayag ni Julia Barretto sa interview sa kanya ni Karen Davila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel