Dennis Padilla, inihayag ang pagmamahal niya sa anak na si Gavin

Dennis Padilla, inihayag ang pagmamahal niya sa anak na si Gavin

- Inihayag ni Dennis Padilla ang kanyang pagmamahal at pagka-miss sa anak niyang si Gavin sa pamamagitan ng isang Instagram post

- Matapos ang sunod-sunod na post niya bilang tugon sa naging pahayag ni Julia Barretto sa panayam ni Karen Davila, agad niya din itong binura

- Hati naman ang naging saloobin ng mga nag-kokomento sa kanyang post matapos ang kanyang kontrobersiyal na post

- May mga nauunawaan si Dennis at meron namang nagmungkahi na huwag siyang magpadalos-dalos sa kanyang mga post

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Dennis Padilla ng picture ng anak niyang si Gavin kalakip ang kanyang mensahe para sa anak. Ito ay matapos niyang mabura ang sunod-sunod na mga post niya ilang tugon sa naging pahayag ni Julia Barretto sa panayam ni Karen Davila.

Dennis Padilla, inihayag ang pagmamahal niya sa anak na si Gavin
Dennis Padilla, inihayag ang pagmamahal niya sa anak na si Gavin (dennisastig)
Source: Instagram

Humiling din si Dennis na sana ay makapanayam din siya ni Karen para mailabas niya ang kanyang panig kaugnay sa mga naging pahayag ng anak. Gayunpaman, hati ang naging saloobin ng mga nag-kokomento sa kanyang post matapos ang kanyang kontrobersiyal na post.

Read also

Dennis Padilla, hindi pa daw handang patawarin si Julia Barretto

Si Dennis Padilla o Dennis Esteban Dominguez Baldivia ay isang Filipino comedian, TV host, radio broadcaster at aktor. Anak siya ni Dencio Padilla, at siya ang ama ni Julia Barretto. Nagsilbi siya bilang konsehal ng Caloocan City noong 2001.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang muling naging usap-usapan ang mag-aama matapos mag-post ni Dennis Padilla ng mensahe niya para sa tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito. Kinalaunan ay sumagot si Leon sa pamamagitan ng isang open letter. Pinaliwanag niya ang knyang saloobin at dahilan kung bakit hindi niya nagawang batiin ang ama. Naitanong niya rin dito kung bakit kinakailangang pahiyain ni Dennis ang anak sa publiko.

Samatala, isang sulat ang binahagi ni Dennis kung saan nilabas niya ang saloobin tungkol sa kanyang pagiging ama. Aminado siyang pinagsisihan niya ang mga maling bagay na kanyang nagawa sa kanyang buhay. Aniya, hindi man siya nakasama ng mga anak ngunit hindi nawala sa kanyang puso ang pagmamahal niya para sa mga anak. Kung may isang kahilingan umano siya, ito ay ang makasama niya ang kanyang mga anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel