Dennis Padilla, hindi rin daw handang patawarin si Julia Barretto

Dennis Padilla, hindi rin daw handang patawarin si Julia Barretto

- Muling nag-post si Dennis Padilla ng kanyang saloobin sa anak na si Julia Barreto

- Sa kanyang pinakahuling post ay binahagi nito ang picture nila ni Julia noong bata pa siya

- Sa caption ay nakalagay ang mga salitang “Pareho kami... Di pa rin ako ready patawarin si Julia..”

- Gayunpaman, kagaya sa mga nauna niyang post ay binura din kaagad ni Dennis ang naturang post

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling nagpost si Dennis Padilla at naghayag ng kanyang sama ng loob. Sa kanyang pinakahuling post ay binahagi nito ang picture nila ni Julia noong bata pa siya kalakip ng caption kung saan sinabi niyang hindi din siya handang patawarin si Julia.

Dennis Padilla, hindi rin daw handang patawarin si Julia Barretto
Dennis Padilla, hindi rin daw handang patawarin si Julia Barretto (dennisastig)
Source: Instagram

Gayunpaman, agad din niyang binura ang naturang post kagaya ng mga sunod-sunod niyang patutsada bilang sagot sa mga naging pahayag ng anak sa panayam ni Karen Davila kay Julia. Ani Dennis, dapat ay makapanayam din siya ni Karen para mailabas naman niya ang kanyang panig.

Read also

Anne Curtis, nataranta habang nagluluto sa tulong ng instruction ni Erwan Heussaff

Dennis Padilla, hindi rin daw handang patawarin si Julia Barretto
Dennis Padilla, hindi rin daw handang patawarin si Julia Barretto (@dennisastig)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Dennis Padilla o Dennis Esteban Dominguez Baldivia ay isang Filipino comedian, TV host, radio broadcaster at aktor. Anak siya ni Dencio Padilla, at siya ang ama ni Julia Barretto. Nagsilbi siya bilang konsehal ng Caloocan City noong 2001.

Matatandaang muling naging usap-usapan ang mag-aama matapos mag-post ni Dennis Padilla ng mensahe niya para sa tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito. Kinalaunan ay sumagot si Leon sa pamamagitan ng isang open letter. Pinaliwanag niya ang knyang saloobin at dahilan kung bakit hindi niya nagawang batiin ang ama. Naitanong niya rin dito kung bakit kinakailangang pahiyain ni Dennis ang anak sa publiko.

Samatala, isang sulat ang binahagi ni Dennis kung saan nilabas niya ang saloobin tungkol sa kanyang pagiging ama. Aminado siyang pinagsisihan niya ang mga maling bagay na kanyang nagawa sa kanyang buhay. Aniya, hindi man siya nakasama ng mga anak ngunit hindi nawala sa kanyang puso ang pagmamahal niya para sa mga anak. Kung may isang kahilingan umano siya, ito ay ang makasama niya ang kanyang mga anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel