Anne Curtis, nataranta habang nagluluto sa tulong ng instruction ni Erwan Heussaff

Anne Curtis, nataranta habang nagluluto sa tulong ng instruction ni Erwan Heussaff

- Kinaaliwan sina Anne Curtis at Erwan Heussaff sa bagong video sa YouTube channel ni Erwan na FEATR

- Sinubukan niyang gawin ang One Pan Grilled Egg Cheese Sandwich at ang Tiktok Grinder Sandwich

- Sa ilang bahagi ng video ay makikitang nataranta si Anne habang sinusunod ang instruction mula sa mister

- Ayon naman kay Erwan, not bad ang gawa ng asawa kahit pa iba itsura ng mga ito sa kanyang gawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan si Anne Curtis sa kanyang reaksiyon habang ginagawa niya ang One Pan Grilled Egg Cheese Sandwich at ang Tiktok Grinder Sandwich sa pamamagitan ng pakikinig sa instruction ni Erwan. Nataranta pa ito sa isang bahagi ng video na naibahagi sa YouTube channel ni Erwan na FEATR.

Anne Curtis, nataranta habang nagluluto sa tulong ng instruction ni Erwan Heussaff
Anne Curtis, nataranta habang nagluluto sa tulong ng instruction ni Erwan Heussaff (@annecurtissmith)
Source: Instagram

Ang naturang video, nakatakip ang mata ni Erwan kaya hindi nito nalalaman kung tama ba ang ginagawa ni Anne. Buong pagmamalaki namang pinatikim ni Anne ang kanyang gawa na ayon kay Erwan ay "not bad."

Read also

Dimples Romana, sinabing deserved ni Angel Locsin ang privacy

Narito ang ilan sa mga komento ng viewers:

Anne Curtis and Erwan Heussaff cooking together is something that’s incredible to see. They’re talented in their own ways. Keep up the good as always. All the blessings to this channel.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Too much cuteness on this video hindi ko na ma-isa-isa pero yung ayaw ni Anne ibigay yung spatula at "let me, let me" ang pinaka-cute. Good job Anne! Sana lahat may Erwan .
Super fun lang kayo tignan Nakaka inlove at naka smile lang ako hanggang natapos

Si Anne Curtis Smith- Heussaff ay isang aktres, TV host, recording artist, commercial model at product endorser. Kabilang sa mga sumikat niyang mga teleserye ay Kampanerang Kuba, Dyosa at Mars Ravelo's Dyesebel.

Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dhalia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.

Read also

Backstreet Boys, nagbigay pugay kay Aaron Carter; Nick, 'di napigilang maiyak

Matatandaang marami ang naaliw sa binahaging video ni Erwan sa kanyang Instagram post. Ito umano ang inihanda sana nilang sorpresa ng anak niyang si Dahlia Amelie Heussaff para sa Mother's Day video nila para kay Anne. Ani Erwann, kakanta sana silang mag-ama ngunit hindi nila iyon natapos dahil sa pangungulit ng anak. Hindi naman napigilan ni Erwann na matawa sa anak at maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa cute at bibong anak nila Anne at Erwan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel