Backstreet Boys, nagbigay pugay kay Aaron Carter; Nick, 'di napigilang maiyak

Backstreet Boys, nagbigay pugay kay Aaron Carter; Nick, 'di napigilang maiyak

- Nagbigay pugay ang grupong Backstreet Boys sa namayapa nang si Aaron Carter

- Si Aaron ang nakababatang kapatid ng isa nilang miyembro na si Nick

- Kasalukuyang nasa world tour ang grupo at sa isa sa kanilang show, hindi napigilang maluha ni Nick gayundin ng iba pang miyembro ng BSB

- Naglabas na rin ng pahayag si Nick kaugnay sa hindi inaasahang pagpanaw ng kapatid

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Viral ngayon ang video na kuha sa isa sa mga show ng Backstreet Boys kung saan nagbigay pugay sila sa namayapa nang si Aaron Carter, ang kapatid ng isa sa kanilang miyembro na si Nick Carter.

Backstreet Boys, nagbigay pugay kay Aaron Carter; Nick, 'di napigilang maiyak
Aaron Carter (@aaroncarter)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kasalukuyang nasa DNA world tour ang grupo at naging bahagi ng show nila sa London ang pag-aalala kay Aaron.

Si Kevin Richardson ang nagsalita para sa grupo at nasabing nalulungkot umano sila sa hindi inaasahang pagpanaw ni Aaron.

Read also

Dimples Romana, sinabing deserved ni Angel Locsin ang privacy

"Tonight, we've a little bit of heavy hearts because we lost one of our family members yesterday. And we just wanted to find a moment in our show to recognize him,"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Nick's little brother, Aaron Carter passed away yesterday at 34 years old," ang bahagi ng naging pahayag ni Kevin.

Kapansin-pansin na hindi na napigilan pang maluha ni Nick na agad na namang niyakap ng emosyonal na ring si AJ McLean.

Sinundan na ito ng isang awit na ayon kay Howie ay inaalay nila kay Aaron.

Narito ang kabuuan ng video mula sa news.com.au YouTube channel:

Si Aaron Carter ang nakababatang kapatid ni Nick Carter ng popular na singing group na Backstreet Boys.

Matatandaang si Aaron ang nagpasikat ng mga kantang 'Crazy Little Party Girl', 'Crush on you', 'I'm Gonna Miss you forever' at 'I'm all about you'

Read also

Nick Carter sa pagpanaw ng kapatid na si Aaron; "My heart is broken"

Subalit kalaunan, naging isang rapper na si Aaron taliwas sa buhay niya na pagiging Popstar noong 90's.

Isang araw mula nang pumanaw si Aaron, naglabas na rin ng pahayag si Nick na labis na nalulungkot sa nangyari. Aminado man itong naging 'komplikado' ang kanilang relasyon na magkapatid, hindi raw kailanman nawala ang pagmamahal sa kapatid. Batid niyang kung nasaan man ito ngayon, nahanap na nito ang katahimikan sa umano'y naging masalimuot nitong buhay bago pumanaw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel